GMA Logo jasmine curtis smith
source: jascurtissmith/IG
Celebrity Life

Jasmine Curtis-Smith, inilahad ang live-in setup nila ni Jeff Ortega

By Kristian Eric Javier
Published January 19, 2024 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam: P2-B Tulong Dunong budget for 2026 to fall under CHED
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

jasmine curtis smith


Nagpaalam daw muna sina Jasmine Curtis-Smith at Jeff Ortega bago sila mag-live-in.

Aminado si Jasmine Curtis-Smith na naging mabuti para sa relasyon nila ng boyfriend niyang si Jeff Ortega ang kanilang live-in setup

Sa interview ni Jasmine sa Updated with Nelson Canlas podcast, inamin ng Asawa ng Asawa Ko actress na naging mabuti para sa kanila ni Jeff na mag-live in muna bagamat maraming nagulat sa naging desisyon nila.

“A lot of people nung una, even friends, even our parents, medyo na nagulat na, 'Uy, live-in na sila agad,'” sabi niya.

Ngunit nilinaw ni Jasmine na hindi “out of personality” iyon sa kanila ni Jeff lalo na at normal lang sa kinalakihan niya sa Australia ang mag-live-in kahit hindi pa kasal. Alam din daw niyang hindi ito normal sa Pilipinas kaya kinausap nila ang kanilang mga magulang ukol dito.

Paliwanag ni Jasmine, “'Yung trust ng pareho naming parents has been the most empowering for us to proceed with it. Siyempre kinausap naman din namin sila kasi, I think, I was in my early 20s pa at this point and Jeff was already in mid-20s, kasi 4 years age gap.

“On his side of the family din kasi they're very Filipino. I mean, they're from La Union, they're very entrenched in the culture here, it was something I also had to talk to his mom about."

Ibinahagi rin ni Jasmine na may mga nagtatanong kung papaano na ang kanilang personal growth o oras para sa kanilang sarili kung magkasama na sila sa iisang bahay.

Sagot ni Jasmine, “Because we are each other's bestfriends, we are each other's support system. Hindi siya... ewan ko, parang meant to happen lang talaga siya sa'min, 'yun 'yung naramdaman ko.”

Ayon pa kay Jasmine, naging malaking tulong ang age gap nila ni Jeff lalo na at mas-mature itong mag-isip dahil nararamdaman niya ang guidance nito.

“Ramdam ko 'yung guidance din niya sometimes so it's nice, it's a beautiful relation,” sabi ng aktres.

TINGNAN ANG SWEET PHOTOS NINA JASMINE AT JEFF:

Samantala, sa interview ni Jasmine sa Fast Talk with Boy Abunda noong January 8, inamin niyang kasal pa rin ang end goal nila ni Jeff kahit pa maraming napapabalitang hiwalayan ngayon.

“Ayaw namin na parang hindi kami aware sa timeline namin, and kung ano 'yung ini-invest namin sa isa't isa,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktres ay sayang naman ang investment hindi lang sa kanilang relationship, ngunit maging sa growth nila ni Jeff.

Sa podcast interview ay nilinaw ni Jasmine na hindi niya ina-advocate ang pag-live-in, ngunit sinabing ito ang nag-work para sa kanila ni Jeff.

Pakinggan ang buong interview ni Jasmine dito: