
Opisyal nang kumpleto ang lineup ng celebrity dance stars sa kauna-unahang dance battle ng Stars on the Floor 2026, na ginanap noong Linggo, February 21.
Ipinakilala na si Jasmine Curtis-Smith na nagmistulang mystery celebrity dance star noong unang episode.
Nakapareha ni Jasmine si 1st.One Joker sa kanilang fun at high-energy Cha-Cha-Cha performance.
Sa naganap na media conference noong Lunes, February 23, ibinahagi ng aktres na matagal na niyang gustong matutunan ang pagsasayaw.
“Kaya pa lang matutunan ang isang bagay kahit na napakalaki ng insecurity mo about it or intimidation mo kasi matagal ko ng frustration ang sumayaw and gusto ko talagang matuto,” sabi niya.
Dagdag pa niya, “Kita ko naman na kahit you start late in life, there's still so much to learn, and kaya pa rin ng katawan to actually learn how to dance, to move, to look like you've been dancing these genres for a while.
Ibinahagi rin ni Jasmine na isa rin ang pagsasayaw bilang paraan ng “healing.”
“Napakagandang bagay ang pagsasayaw to heal yourself also, kapag may pinagdadaanan ka. May nararamdaman ka,” paliwanag niya.
Nagpasalamat din si Jasmine sa Stars on the Floor dahil hinintay siya na makasali sa programa.
“Grateful din ako na hinintay ako ng show na makapasok sa episode 2 kasi malaking bagay na you're busy everyday, and that I have something to keep my mind busy with. Ayun, ang saya lang sumayaw,” aniya.
Inilarawan din ng celebrity dance star ang pagsali bilang isang bagong oportunidad para sa kanya.
“This is a door opening for me ito a new chapter na bukod sa acting, kaya ko pa lang matutong sumayaw,” pahayag niya.
Makakasama ni Jasmine sa lineup ng celebrity dance stars sina Rocco Nacino, Sugar Mercado, Paul Salas, at Chanty Videla.
Patuloy na tutukan si Jasmine sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
RELATED GALLERY: 'Stars on the Floor' 2026: Meet the celebrity dance stars