GMA Logo Jasmine Curtis-Smith
Photo source: Stars on the Floor
What's on TV

Jasmine Curtis-Smith, kusang-loob na sumali sa 'Stars on the Floor' 2026

By Karen Juliane Crucillo
Published April 14, 2026 12:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Luzon grid under yellow alert on Thursday afternoon
MUPH Baguio Roxie Smith shares reason behind pageantry comeback

Article Inside Page


Showbiz News

Jasmine Curtis-Smith


Game na game na sumali si Jasmine Curtis-Smith sa lineup ng celebrity dance stars ng 'Stars on the Floor' 2026.

Matapang na hinarap ni Jasmine Curtis-Smith ang hamon ng pagiging isa sa celebrity dance stars sa Stars on the Floor 2026.

Sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes, April 13, ibinahagi ni Jasmine na “childhood dream” niya ang pagsasayaw, kaya minabuti niyang sumabak sa dance competition.

“Childhood dream ko talaga ang sumayaw. As in 9-years-old pa lang, 'yun na ang gusto kong gawin,” bahagi ng aktres.

Inamin din ni Jasmine na siya mismo ang nag-presenta upang mapabilang sa celebrity dance stars lineup.

“Gusto kong maging part ng dance crew, so noong nalaman kong naghahanap sila ng bagong dance stars, inalay ko na po ang pangalan ko, just in case makapasa,” kuwento niya.

Kasama ni Jasmine sa celebrity dance stars sina Rocco Nacino, Sugar Mercado, Paul Salas, at Chanty Videla.

Mas iinit pa ang tapatan sa dance floor dahil malapit nang magkaroon ng permanent duos sa pagitan ng celebrity at P-pop dance stars.

Abangan ang mas pasabog pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:00 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.

Balikan dito ang panayam ni Jasmine Curtis-Smith sa Fast Talk With Boy Abunda: