
May patikim si Jasmine Curtis-Smith kung ano ang dapat abangan sa huling linggo ng pinagbibidahan niyang GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko.
Sa live interview ng Unang Hirit kay Jasmine kaninang umaga, may pahaging ang aktres kung ano ang mangyayari sa karakter niyang si Cristy at sa una nitong asawang si Jordan, na ginagampanan ni Rayver Cruz.
"Ito na nga, so last week, ang pabitin namin sa inyo, 'di ba, na si Jordan, nasa Pilipinas pala, wala pala siya sa Amerika. Hindi niya iniwan si Cristy at si Tori, nandito lang siya.
"So, ang aabangan natin, magtatagpo ba ulit sila? Mare-reveal na ba kay Cristy na nandito lang si Jordan, at meron lang silang isang malaking plano para finally, mabigyan na ng hustiya lahat ng ginagawa ni Shaira sa kanila at sa buong pamilya nila.
"Abangan natin 'yan, may hustisya ba at magkakabalikan ba ang Pamilya Manansala?" patikim ni Jasmine.
Panoorin ang buong panayam ni Jasmine sa Unang Hirit DITO:
Ngayong huling Lunes ng Asawa Ng Asawa Ko, mahuhuli na kaya nina Jordan si Shaira sa patimbong na ginawa nila? O makakahanap pa rin siya ng paraan para matakasan ang nag-aantay na higanti ni Cristy?
Abangan ang huling linggo ng Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime.