Celebrity Life

Jasmine Curtis-Smith on marriage: "Hindi pa ako ready!"

By Nherz Almo
Published April 17, 2019 9:00 AM PHT
Updated April 17, 2019 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Jasmine Curtis-Smith tells importance of keeping individuality in a relationship.

Isang bagong business ang magkasamang itataguyod ng magkasintahang Jasmine Curtis-Smith at Jeff Ortega.

Jasmine Curtis-Smith
Jasmine Curtis-Smith

Sa ginanap na press conference ng pelikula ni Jasmine at Tom Rodriguez, ang Maledicto, na ginanap kahapon, April 16, naikuwento ng una na agad siyang maghahanda para sa bakasyon nila ng kaniyang boyfriend sa San Juan, La Union.

Magmimistulang work-and-play ang kanilang bakasyon ngayong Holy Week dahil soft opening din ng kanilang boutique hotel na Funky Quarters.

Ayon kay Jasmine, nahikayat siyang makisosyo sa kaniyang boyfriend at mga kaibigan nito dahil gusto niya ring magtayo ng sariling hotel.

“Grinasp ko na rin yung opportunity to learn because I don't know how else I'll come around to learning how to build a hotel or how to come around to building one,” ani Jasmine.

READ: Jasmine Curtis-Smith and Jeff Ortega to open boutique hotel in La Union

Dahil sa bago nilang business venture bilang magkasintahan, hindi naiwasang matanong si Jasmine kung isa itong paghahanda sa pagpapakasal.

“I don't know,” nakangiting sagot ni Jasmine.

Natawa rin siya nang tanungin kung hudyat na ito ng pagpo-propose ni Jeff sa kaniya.

Agad pa niyang sagot, “Hindi pa ako ready!”

Sabay kuweto ni Jasmine na napag-uusapan na nila ng kanyang boyfriend of three years ang tungkol sa pagpapakasal.

“Napag-uusapan naman namin, na if it happens soon, would I be ready?

“I was very honest naman with him saying na, 'I still have a few things, na ako, I still have to do and I want to do.'

“Bukod sa 'have to,' ang dami ko ring gusto pa, ang dami ko pang dreams, ang daming need ma-accomplish on my own.

“It's just on my own as a sister, as a daughter, parang mga self-discovery ba or paghihilom sa mga nangyari before na hindi pa rin ako maka-move on.

“Para na rin hindi ko siya dinadala sa anumang dinadala ko as a person.

“Siyempre, we all have limited movements din sa industriya, so 'yung personal kong dreams o personal kong gustong ma-achieve din, gusto kong ma-accomplish and to feel na on my own, hindi dahil sa boyfriend ko or sa kapatid ko, gusto ko ako.”

Para kay Jasmine ang boutique hotel ay isang paraan din para pagtibayin ang relasyon nila ng kaniyang boyfriend.

Aniya, “Parang mutual understanding na namin, you know, we'll start off with this.

“Pero ako, on my own, ang dami ko pang gustong ma-achieve on my own and kasama siya as my boyfriend or as a life partner or as a husband nga already.

“Siyempre, gusto kong ma-experience 'yung ganitong learnings.

“I mean, other learnings than what we'll experience together, di ba?

“Bukod sa pagbi-build namin n'un, I can tell him na, 'Okay, we have this project together and we have a relationship.

"This is mine naman. 'Yung acting ko is mine, or the other projects that I do, these are my own for myself.

“Para hindi kami nagtuturuan in the end na, 'Pinagkait ko 'to sa 'yo o pinagkait mo 'to sa akin, and hindi tayo nag-grow into our individual selves.'

“Para when the time comes na kami na talaga, you know, when we tie the knot, God willing na kami na talaga in the end, we can be sure na kami na talaga in the end.

“We really supported each other 'til the end.”

Sa katunayan, sinabi ni Jasmine na inspirasyon nila ni Jeff ang relasyon ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Anne Curtis at asawa nitong si Erwan Heussaff.

Paglalahad niya, “I think one of the things that inspires us is really how ate and Erwan were able to do that at the same time.

“Kahit ngayon, kahit na married pa rin, they get to live out their individual lives separately.

“When it's time to come home as husband and wife, kaya din nila to put everything aside and come together as a couple.”

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Jasmine sa pag-intindi sa kaniya ni Jeff.

Aniya, “Sobra ang support niya. Kung magkaroon man ng any thoughts or any questions, bumabalik ako palagi na, alam mo, 'Pinanindigan ka naman niya, hinayaan ka niya.'

“Parang anong klase ng pasasalamat din 'yon, 'di ba, o saan ka pa makakahanap ng taong mag-i-stay kapag sinabi mong, 'Ako muna, balikan kita later.'

“Dun pa lang, 'yun appreciation lang, I guess it keeps us glued together 'til the end.”