GMA Logo Jasmine Curtis-Smith, Tanya Garcia, Andrea del Rosario
Source: gmanews (YT)
What's Hot

Jasmine Curtis-Smith, Tanya Garcia, iba pang celebrities, inalala si Jaclyn Jose

By Kristian Eric Javier
Published March 6, 2024 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Jasmine Curtis-Smith, Tanya Garcia, Andrea del Rosario


Patuloy pa rin ang pagluluksa at pag-alala ng entertainment industry sa yumaong aktres na si Jaclyn Jose.

“It's really shocking.”

Iyan ang naging emosyonal na pahayag ng aktres at komedyante na si Candy Pangilinan tungkol sa pagpanaw ni Jaclyn Jose.

Patuloy pa rin ang pagluluksa ng entertainment industry, kabilang na ang Asawa ng Asawa Ko actress na si Jasmine Curtis-Smith at dating Maria Clara at Ibarra star Tanya Garcia, na umalala sa tanyag na aktres.

Sa interview niya kay Lhar Santiago sa “Chika Minute” para sa 24 Oras, sinabi ni Tanya na naging nanay na ang turing niya kay Jaclyn nang magkatrabaho sila sa seryeng Sana ay Ikaw na Nga. Ayon pa dito ay hindi natapos sa serye ang pagiging nanay ng beteranong aktres.

“Out of the blue, mangangamusta, 'How are you, Tanya?' 'Gusto ko ng chicharon, Tanya, padalhan mo 'ko.' Little things, pero sobrang grateful siya, sobrang happy siya,” sabi niya.

Mas nakilala rin umano ni Jasmine si Jaclyn nang magkatrabaho sila sa The World Between Us, lalo na at nasa ilalim sila noon ng lock-in taping.

“Marami akong mga saloobin na na-share ko sa kanya, na-guide niya ako sa mga bagay, talagang I am [at a] loss for words and napakalungkot, actually. Napakalungkot,” sabi niya.

Samantala, pinansin naman ng aktres na si Andrea del Rosario ang dedikasyon at work ethic ni Jaclyn, at sinabing dito maiintindihan ang hirap ng trabaho ng isang artista at madalas magkaproblema “healthwise.”

Ilang celebrities din ang nag-post sa kani-kanilang social media accounts ng mga masasayang alaala nila kay Jaclyn.

Kamakailan ay naghain din ang Senado ng isang resolusyon para magbigay pugay kay Jaclyn Jose. Ayon sa Senador na si Robin Padilla, ang resolusyon ay ginawa nila para “kilalanin 'yung kanyang talino sa pag-arte.”

“Kasi siya 'yung nagbigay sa'tin ng karangalan sa Cannes Film Festival, naging best actress 'yan e,” sabi ng senador at aktor.

Panoorin ang buong interview nila dito: