GMA Logo jason abalos and vickie rushton
What's on TV

Jason Abalos at Vickie Rushton, witness sa away nina Boobay at Tekla

By Cherry Sun
Published September 18, 2020 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

jason abalos and vickie rushton


Nangyari ang pagkakapikunan nina Boobay at Tekla nang mag-guest ang magkasintahang sina Jason Abalos at Vickie Rushton sa bagong episode ng 'The Boobay and Tekla Show.'

Nasaksihan mismo ng celebrity couple na sina Jason Abalos at Vickie Rushton ang nangyaring away sa pagitan nina Boobay at Tekla dahil sila ang special guests sa bagong episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Kabilang sina Jason at Vickie sa mga mapapanood sa episode ng TBATS ngayong Linggo, September 20.

Ang magkasintahan ang tampok sa segment na "Tape Mo, Mukha Mo," kung saan nagkapikunan sina Boobay at Tekla.

Ang segment na ito ay isa sa mga bagong segment na dapat abangan sa Kapuso comedy variety show.

Ang isa pang bagong segment ng TBATS ay ang "In The Boxxx,” kung saan huhulaan naman nina Boobay at Tekla ang laman ng isang mystery box.

Sa pagbabalik-taping ng TBATS, muli na ring napanood ang "Dear Boobay and Tekla" at ang iba pang mga bagong kalokohan, pranks, at jokes ng fun-tastic duo.

Tuluy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, September 20, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!