Celebrity Life

Jason Abalos, ibinida ang pagsusuot ng Barong Tagalog sa kanilang prenup shoot ni Vickie Rushton

By Jansen Ramos
Published August 22, 2022 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

jason abalos and vickie rushton


Jason Abalos sa kanilang Filipiniana-themed prenuptial shoot ni Vickie Rushton: “Namamangha na kami sa kung anumang meron tayong mga Pilipino. Sabi ko, ibalik 'yung pagsusuot ng barong, 'yung Filipiniana, kung paano 'yung kasal noong mga unang panahon.”

Naghahanda na sina Jason Abalos at Vicki Ruston sa kanilang kasal ngayong taon.

Kamakailan, ipinasilip nila ang kanilang Filipiniana-themed prenuptial shoot na kinunan sa tourist spot sa Nueva Ecija na Pantabangan Lake.

Dito ay ibinida ni Jason at kanyang fiancee na si Vickie ang pagsusuot ng Barong Tagalog at ng terno gown.

Ani ng aktor, paraan nila ito para i-promote ang pagsusuot ng tradisyonal na kasuotan ng mga Pinoy sa mga espesyal na okasyon gaya ng kasal.

"Namamangha na kami sa kung anumang meron tayong mga Pilipino. Sabi ko, ibalik 'yung pagsusuot ng barong, 'yung Filipiniana, kung paano 'yung kasal noong mga unang panahon," bahagi ni Jason sa panayam ni Cata Tibayan sa “Chika Minute” segment ng 24 Oras noong Sabado, August 20.

Ongoing pa rin ang wedding preparations ng magkasintahan. Ayon kay Jason, metikuloso raw si Vickie sa bawat detalye ng kanilang nalalapit na kasal.

"Lahat ng konsepto sa kanya galing, pati 'yung mga giveaways, siya 'yung nag-design ng lahat no'n, pati 'yung sulat sa mga invitation, siya 'yung gumawa no'n. So talagang hands-on si Vickie," sabi ni Jason.

Intimate lang daw ang kanilang wedding pero hindi mawawala ang mga kaibigan nila sa showbiz at isa na rito ang tumatayong mentor at kuya ni Jason na si Onyok Velasco.

More than a decade nang magkarelasyon sina Jason at Vickie bago na-engage.

Sa pagpasok nila sa panibagong chapter ng kanilang buhay, nangako si Jason na gagawin daw niyang sentro ng kanilang buhay ang Panginoon.

"Ako, syempre, bilang tao, may mga pagkakamali rin sa buhay so sinisikap ko na maging mabuti at magkaroon talaga ng personal na relasyon sa Diyos para 'yun 'yung magiging guide ko,” kuwento niya.

"Sabi ko kay Vickie, 'pag nagkaroon kako 'ko ng kasalanan sa 'yo, hindi kako sa 'yo magsisisi, kay Lord. So sabi ko medyo mas uunahin ko muna s'ya bago tayong dalawa."

Panoorin ang buong ulat sa video sa itaas.

NARITO ANG SWEET PHOTOS NG SOON-TO-BE-MARRIED COUPLE: