GMA Logo Jason Abalos
Photo by: Jason Abalos (IG)
Celebrity Life

Jason Abalos, ipinagpatuloy ang pagkuha ng Master's Degree in Public Administration

By Aimee Anoc
Published November 18, 2021 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jason Abalos


Bukod sa pagiging isang aktor, nais ni Jason Abalos na makakuha ng master's degree sa kursong Public Administration.

Muling ipinagpatuloy ni Las Hermanas star Jason Abalos ang kanyang pag-aaral sa edad na 36 kung saan kumuha siya ng Master's Degree in Public Administration sa Philippine Christian University.

Sa Instagram, ibinahagi ni Jason ang larawan nila ni JC Tiuseco na kapwa may suot na school ID.

"Learning never stops. Back to school, may student ID na ulet," sulat ni Jason.

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos)

Ayon kay Jason, gusto niya ring ituloy sa doctorate ang kurso para makapagturo at makapagbigay inspirasyon sa iba.

Kasalukuyang gumaganap si Jason bilang si Gabriel sa GMA Afternoon Prime series na Las Hermanas kung saan kasama niya sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith Da Silva, at Albert Martinez.

Sa pagpapatuloy sa kanyang pag-aaral, ibinahagi ni Jason na hindi niya iiwan ang showbiz dahil nasa puso na niya ang pag-arte.

"Ito kasi talaga 'yung gusto kong gawin, ang tumagal nang tumagal kasi talagang nasa puso ko ang pag-arte, nasa puso ko ang showbiz industry. Kaya kahit ano'ng gawin ko rito siguradong mag-e-enjoy lang ako," pagbabahagi ni Jason.

Samantala, tingnan sa gallery na ito ang love story nina Jason Abalos at Vickie Rushton: