What's Hot

Jason Abalos is grateful as he turns a year older

By Rowena Alcaraz
Published January 14, 2018 2:58 PM PHT
Updated January 14, 2018 3:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang celebrities, nasimula nang mag-rehearse para sa "Kapuso Countdown to 2026"
Alleged female rebel nabbed for rebellion, crimes against humanity
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



The actor turns 32 today, January 14.

"Inaalay ko ang araw na 'to sa iyo, Panginoon, [pati] mga susunod na araw ng buhay ko," 'yan ang pinakatema ng Instagram post ni Jason Abalos ngayong araw, January 14 na siya ring kaarawan niya.

Ayon sa aktor, wala daw siyang maalaang birthday celebration dahil hindi naman talaga siya nagdiriwang ng araw ng kanyang kapanganakan. 

Sa kabila nito, nagpapasalamat ang aktor sa lahat ng mga tao na kaniyang nakilala at nagpakita ng pagmamahal, sa pamilya, mga kaibigan, at mga taong patuloy na sumusubaybay sa kanyang karera.

Hindi man nagbanggit ng pangalan, humingi rin ng kapatawaran ang aktor sa mga taong nasaktan niya.

"Naniniwala ako sa pagmamahal na binigay sa atin para sa kahit na sinong tao kaya mahal ko kayo. Para sa mas makulay na buhay! Cheers!

 

Wala ako maalalang birthday ko kasi di naman ako nag celebrate., inaalay ko ang araw na to sa iyo Panginoon at sa mga sususnod na araw ng buhay ko. Maraming salamat sa lahat ng taong nakilala ko na nag papakita sa akin ng pagmamahal ninyo. Sa aking pamilya, kaibigan at sa mga taong sumusubaybay at sumusuporta sa aking karera sa showbiz at karera sa MX(kahit panggulo lang????) sa mga taong nasaktan ko in any way sana mapatawad nyo ako, sorry at hindi ko sinasadya. Naniniwala ako sa pagmamahal na binigay sa atin para sa kahit na sinong tao, kaya mahal ko kayo :) para sa mas makulay na buhay! Cheers!

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos) on


Abangan si Jason Abalos sa GMA Primetime series na The One That Got Away. Simula na 'yan ngayong January 15, after Kambal, Karibal.