
Hindi naiwasan ng actor-turned-politician na si Javi Benitez ang tanong tungkol sa kanyang dating girlfriend na si Sue Ramirez.
Nakausap ng ilang piling entertainment media, kabilang ang GMANetwork.com, ang kasalukuyang representative ng 3rd District ng Negros Occidental kaninang tanghali, May 21.
Dito sinabi ni Javi na masaya siya para sa kanyang dating kasintahan.
“I'm very happy for her. Wala akong masasabing masama about her, and I still believe that she's one of the most accomplished and yet still underrated actresses of her time.”
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na in a relationship si Sue ngayon sa kapwa aktor at celebrity content creator na si Dominic Roque.
Sa palagay ni Javi, silang dalawa rin ang magkakatuluyan sa huli.
Aniya, “Feeling ko sila ang magiging endgame.”
Sabay paliwanag niya, “Yun ang prediction. Well, both of them want to get married and have kids, saka bagay sila.”
Related gallery: Sue Ramirez likens boyfriend Dominic Roque to tequila: 'Mapapasayaw ka sa saya'
Ayon kay Javi, si Sue ang pinakamatagal niyang nakarelasyon.
Noong November 2024, inanunsiyo ni Javi, sa pamamagitan ng Instagram Story, ang paghihiwalay nila ng aktres.
Ito ay kasunod ng pag-viral ng mga video nina Sue at Dominic na magkasama sa Siargao. Ito rin ang taon kung kailan naudlot ang planong pagpapakasal ng huli sa aktres na si Bea Alonzo.
Samantala, sa ngayon, focused daw muna si Javi sa kanyang self-happiness.
“Happy ako. Just lowkey, you'll never know, baka in the future masabi ko rin. Self-happiness,” matipid niyang pahayag.
Sa ngayon, bukod sa kanyang posisyon sa Kongreso, magiging abala rin si Javi sa kanyang master's degree.
Samantala, tingnan ang ilang celebrities na may partner na politiko: