GMA Logo Jay Arcilla
What's on TV

Jay Arcilla, aminadong naging pasaway; naireklamo na sa barangay

By Jimboy Napoles
Published February 28, 2024 7:13 PM PHT
Updated February 29, 2024 12:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Saan nagmula ang Easter egg hunting? | GMA News Feed
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News

Jay Arcilla


Talagang that time parang naisip ko sakit lang ng ulo ang nabibigay ko sa magulang ko.” - Jay Arcilla

Inamin ng Kapuso actor na si Jay Arcilla na minsan na siyang naireklamo sa barangay dahil sa pagkakasangkot niya sa isang trouble ng mga kabataan.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda, nakapanayam ng batikang TV host si Jay kasama ang kanyang Makiling co-star na si Thea Tolentino.

Dito ay pinakuwento ni Boy Abunda kay Jay ang nangyari sa kanya noon kung saan siya ay ipina-barangay.

Kuwento ni Jay, “No'ng kabataan ko Tito Boy napasama ako sa trouble, mga kabataan ganun. Pero di naman nalaman ng parents ko 'yun that time. [Dahil sa] kakulitan ko [ito] no'ng bata pa ako.”

Aminado naman ang aktor na naging sakit sa ulo siya ng kanyang mga magulang noon kaya agad niya ring itinigil ang pagiging pasaway.

Aniya, “Natutunan ko no'n na walang maitutulong sa sarili ko kung doon ako lalaki sa mga gano'ng gawain. Talagang that time parang naisip ko sakit lang ng ulo ang nabibigay ko sa magulang ko.”

Bukod dito, ikinuwento ni Jay na minsan na rin siyang nakaranas ng rejection.

“Ako, Tito Boy, nung nag-audition ako sa isang role na akala ko ako na 'yung makukuha pero biglang nagpalit. Pero ano naman at least nagamit ko 'yun as motivation na pagbutihin pa,” anang aktor.

Nagsimula ang showbiz career ni Jay nang sumali siya sa season 6 ng reality talent search na StarStruck.

Sa ngayon, napapanood si Jay sa hit GMA Afternoon Prime series na Makiling bilang isa sa mga PBI (Philippine Bureau of Investigation) agents na kasamahan ng karakter ni Thea na si Rose.

Ang nasabing serye ay pinagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.