GMA Logo Jay Costura, Sherra de Juan, Mark Arjay Reyes
Photo by: Mark Arjay Reyes (FB), Jaycostura (FB)
What's Hot

Jay Costura, nahulaan kung nasaan ang nawawalang bride-to-be

By Kristine Kang
Published January 5, 2026 3:09 PM PHT
Updated January 5, 2026 5:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - The Supreme Court releases the results of the 2025 Bar Examinations (Jan. 7, 2026) | GMA Integrated News
Abi Marquez lands on a Dubai billboard with international artists
2026 Bar Exam Updates and Results

Article Inside Page


Showbiz News

Jay Costura, Sherra de Juan, Mark Arjay Reyes


Nagkatotoo ang hula ni Jay Costura kung nasaan si Sherra de Juan!

Naging mainit na usapin noong December ang pagkawala ng bride-to-be na si Sherra de Juan.

Bigla umano itong naglaho bago ang nakatakda nilang kasal matapos magpaalam na bibili lamang ng bridal shoes.

Sa labis na pag-aalala ng kanyang fiancé na si Mark Arjay Reyes, ginawa nito ang lahat upang makakuha ng impormasyon kung nasaan si Sherra.

Isa sa mga kanyang ginawa ay ang paglapit sa kilalang psychic na si Jay Costura, sa pag-asang mabibigyang-linaw ang kalagayan ng kanyang bride-to-be.

Sa isang vlog ni Jay, personal na bumisita ang psychic sa bahay ni Mark upang tulungan siya at ang kanyang pamilya.

Agad niyang binasa ang kanyang mga baraha at pinapili ang fiancé. Ayon sa kanyang hula, may ipipilit umanong isyu ng third party bilang dahilan ng pagkawala ni Sherra. Ngunit iginiit niyang kusang-loob itong bumyahe patungo sa isang malayong lugar.

"May nakita akong pagtawid o tinatawag na bumyahe siya ng malayo. Ito po ay nakaplano pala sa kanya," ani Jay.

Dagdag pa niya, "Nagdadalawang isip talaga siya. May pag byahe po akong nakita as in literally bumyahe talaga siya. Ngayon nahihirapan siya bumalik it's because nag-trending siya. Malinaw na pinakita sa akin ng kusa ang pag-alis. Wala pong tinatawag na abduction or dinukot siya."

Batay pa rin sa hula, nais umanong umalis ni Sherra sa kanilang lugar dahil sa pagkalito at nabibilisan sa mga pangyayari kaugnay ng kanilang kasal. Gayunpaman, tiniyak ni Jay na maayos ang kalagayan nito sa kanyang paglalakbay.

"She's alive, buhay po siya. She's fine...babalik siya. So may tumutulong sa kanyang babae ngayon," hula nito. "I see a place--it's something to do with Pangasinan and Baguio."

Ang hula ni Jay ay tila nagkatotoo nang matagpuan si Sherra sa Sison, Pangasinan noong December 29, 2025. Humingi siya ng tulong sa isang motorcycle rider upang makontak si Mark.

Sa kasalukuyan, nagpapahinga muna ang bride-to-be matapos salubungin ang bagong taon kasama ang kanyang pamilya.

Masaya rin ang ibinahaging balita ng magkasintahan kaugnay ng kanilang kasal.

"Tuloy po ang kasal. Meron na po kami actually na date, end of March po," pahayag ni Mark sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

"Natutuwa nga ako kasi siya 'yung talagang eager sumagot 'Tuloy, tuloy.' Pero sinabihan ko siya, ' 'Wag mo i-pressure ang sarili mo sa sinasabi ng iba.' Kumbaga ang priority nga namin is maka-recover siya. Lagi ko naman sinasabi sa kanya na 'yun naka-support ako sa lahat ng bagay. Whatever the future have for us, nandoon lang ako. Hindi ko siya iiwan kahit anong sabihin ng tao. Mahal ko siya."