GMA Logo Tadhana My Batangueno Lover
What's on TV

Jay Manalo, Maricar de Mesa, at Candy Pangilinan, tampok sa 'Tadhana: My Batangueño Lover'

Published January 8, 2023 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana My Batangueno Lover


Batangueñong iniwan ng kanyang misis, nakahanap ng bagong pag-ibig sa Amerika?

Sa Tadhana: My Batangueño Lover, isang Batangueño na nilisan ng asawa ang makakahanap ng bagong pag-ibig sa Amerika.

Simula nang magtrabaho si Daisy (Maricar De Mesa) sa Amerika, tumayong ama't ina na si Banjo (Jay Manalo) sa kanilang dalawang anak kasabay ng pagpapalago ng munti nilang lomihan sa Batangas. Isang araw, laking gulat ng kanilang pamilya nang hindi sumipot si Daisy sa airport.

Para mabuo muli ang kanyang pamilya ay sinundan at hinanap ni Banjo ang misis sa Amerika. Doon niya makikilala ang funny singer at kababayan na si Princess (Candy Pangilinan) na tutulungan naman siyang mahanap ang kanyang misis. Pero ang misis na hinahanap-hanap niya, may iba nang mahal!

Paano kaya ito matatangap ng kanyang pamilya sa Batangas? Si Princess na ba ang bagong pag-ibig ng Batagueñong si Banjo?

Balikan ang Part 1 sa natatanging pagganap ni Nova Villa, Candy Pangilinan, Jay Manalo, Maricar de Mesa, Crystal Paras, Marc Justine Alvarez, at Dyosa Pockoh.

Samahan muli si Primetime Queen Marian Rivera sa kuwento ng Tadhana: My Batangueño Lover Part 2 ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.