
Si Pulang Araw star Jay Ortega ang bibida sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Bibigyang-buhay niya ang kuwento ng isang security guard na sisikat online dahil sa kanyang trending na dance video sa episode na pinamagatang "Viral Gay Guard: The Gerald Concan Story."
Gaganap si Jay bilang Gerald, lalaking inabandona ng kanyang mga magulang noong siya ay bata pa. Magsisimula si Gerald bilang mangangalakal ng basura hanggang sa makuha bilang security guard.
Mula pagkabata, nakaranas siya ng diskriminasyon dahil sa pagiging bakla kaya natuto siyang itago ang kanyang kasarian.
Saan siya huhugot ng lakas ng loob para gumawa ng isang dance video at ipakita ang tunay niyang pagkatao?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "Viral Gay Guard: The Gerald Concan Story," January 11, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.