
Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang candid moments sa loob ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Isa sa mga pinag-uusapan ay ang biglaang pag-amin ng celebrity housemates tungkol sa kanilang mga crush.
Ang Son-sational Viral Beshie ng Davao del Sur na si Esnyr, tila nagulat nang aksidenteng mabanggit ang kanyang Kapuso crush.
Sa prank ng Pinoy Big Boys, malakas at diretso niyang nasabi na pinupusuan niya ang Kapuso star na si Jay Ortega.
Labis na kinatuwa ito ng housemates at maging ng online netizens. Agad ding kinausap ng fans si Jay tungkol sa viral moment.
"Actually nagulat ako kasi may nag-mention sa akin sa isang TikTok na 'yung clip nga ni Esnyr na sinasabi na ako 'yung Kapuso crush niya raw," kwento ni Jay sa isang online exclusive interview.
Nang tanungin kung ano ang kanyang reaksyon, ngiting sagot ng aktor: “I'm very happy to hear that na crush ako ni Esnyr."
Dagdag din niya, “Gusto ko siyang makilala, gusto ko siyang makita. Siguro paglabas na lang niya ng Bahay ni Kuya.”
Maraming netizens ang kinilig at umaasang pumasok din si Jay sa Bahay ni Kuya para makita silang magkasama.
Patuloy ang good vibes na hatid ni Esnyr sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang programa tuwing weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Samantala, kabilang si Jay Ortega sa comedy movie na Samahan ng mga Makasalanan kasama sina David Licauco, Sanya Lopez, at iba pang Kapuso stars. Mapapanood ito ngayon sa mga piling sinehan nationwide!
Kabilang rin si Jay sa first Viu Original series ng GMA Network na Slay. Kasama niya sina Derrick Monasterio, Julie Anne San Jose, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Gabbi Garcia.
Kilalanin pa si Jay Ortega sa gallery na ito: