GMA Logo SLAY stars Jay Ortega and Ysabel Ortega
Photo by: Michael Paunlagui
What's on TV

Jay Ortega sa mga kinikilig sa kanila ni Ysabel Ortega sa 'SLAY': 'Nakakagulat nga'

By Aimee Anoc
Published April 30, 2025 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

SLAY stars Jay Ortega and Ysabel Ortega


Ano kayang pag-uugali ang pinaka nagustuhan ni Jay Ortega sa 'SLAY' co-star na si Ysabel Ortega? Alamin dito.

Masaya ang Sparkle actor na si Jay Ortega sa positive feedback na natatanggap mula sa netizens sa tambalan nila ni Ysabel Ortega sa murder mystery series na SLAY.

Base sa komento ng SLAY viewers sa kanilang mga eksena, marami ang kinikilig at nagsasabing may chemistry ang dalawa.

"Bagay sila lakas ng chemistry. Bukod sa BarDa, dito rin ako kinikilig," sabi ng TikTok user na si Glysa Araojo.

"Bagay talaga more projects sa kanila please," dagdag ng TikTok user na si Caryl.

"Bagay talaga sila on screen may chemistry," komento ng TikTok user na si Ysa.

@nicasyxieee_ "gusto mo pumatol ako?" - Gabo || ano ba, kinikilig na ako dito oh! #slay #SLAYonViu #xybca #trends #ysabelortega #jayortega #gabo #yana ♬ original sound - nica_

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Jay kung gaano siya nagulat sa naging reaksyon ng manonood kina Yana (Ysabel) at Gabo (Jay) sa SLAY.

"Actually, nakakagulat nga. In fairness doon sa... nakita ko sa TikTok 'yung isang video na nag-trending sobra," sabi ni Jay.

Dagdag niya, "Sobrang happy ako na nagustuhan ng viewers 'yung mga ginagawa namin ni Yana. Sana magtuloy-tuloy."

Hiling din ng aktor na makasama pa sa ibang proyekto si Ysabel. Aniya, "Sana magkaroon din kami ng future projects. I love working with Ysabel, also."

Sa interview, ibinahagi rin ni Jay ang isa sa pag-uugaling nagustuhan niya sa aktres, "Sobrang approachable niya. Sobrang nice niya. Kapag kinausap mo siya, wala na hindi na kayo matatapos."

Nang tanungin kung ano pa ang dapat na abangan sa kanila ni Ysabel sa SLAY, sagot ni Jay, "Abangan n'yo kong magugustuhan ba ni Yana si Gabo katulad ng pagtingin ni Gabo sa kanya, kung magiging happy ending ba 'to for them or hindi."

Abangan sina Jay at Ysabel sa SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.

SAMANTALA, MAS KILALANIN SI JAY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: