GMA Logo Elizabeth Ramsey
Celebrity Life

Jaya, inalala ang yumaong inang si Elizabeth Ramsey

By Aedrianne Acar
Published September 18, 2020 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Elizabeth Ramsey


Jaya's funny memory about her mom: “Bawat labas mo ng bahay, putok ang makeup mo parang laging may production number.”

Sa buwan ng Oktubre ang ika-limang death anniversary ng tinaguriang “Queen of Rock and Roll” na si Elizabeth Ramsey.

Halos kalahating dekada na ang lumipas mula nang pumanaw ang ina ng “Queen of Soul” na si Jaya, pero tila sariwa pa rin sa magaling na singer ang pagkawala ng kanyang magulang.

Screenshot taken from Jaya's IG account

Sa Instagram post ni Jaya kahapon, September 17, inaalala nito ang best moments ng nag-iisang Elizabeth Ramsey.

Panimula nito, “My Mama [Wala] lang...namiss lang kita Ma. You always carried through life as if everything is so laughable. You never showed people negative vibes.

“People smiled whenever you walked into any room.”

Nag-biro pa si Jaya sa signature makeup nito.

“Bawat labas mo ng bahay, putok ang makeup mo parang laging may Production Number. Rich or poor, their hearts you captured. You treated everyone equally. Walang masamang tinapay sa iyo.

“Lahat ng klase ng tao, minahal mo. Kaya naman lubos ang pagpapasalamat ko sa Panginoon na ikaw ang aking naging Ina at Ama. Ang aking tatag, tapang, pang-unawa, paniniwala sa Diyos at pagmamahalal at pakikisama sa kapwa, pagkanta, lahat lahat itinuro mo sa akin.”

Tinapos ng OPM singer ang kanyang post at sinabing maraming tao ang nakaka-miss sa “Queen of Rock and Roll.”

“Masaya ako na kasama mo si Jesus. Magkikita rin tayong muli, pero wag muna ngayon ha Ma?!? Many people miss you. I miss you soooooooo much. Love you forever.”

My Mama ❤️ Wlw lang...namiss lang kita Ma. You always carried through life as if everything is so laughable. You never showed people negative vibes. People smiled whenever you walked into any room. Bawat labas mo ng bahay, putok ang makeup mo parang laging may Production Number 😂🥳 Rich or poor, their hearts you captured. You treated everyone equally. Walang masamang tinapay sa iyo. Lahat ng klase ng tao, minahal mo. Kaya naman lubos ang pagpapasalamat ko sa Panginoon na ikaw ang aking naging Ina at Ama. Ang aking tatag, tapang, pang-unawa, paniniwala sa Diyos at pagmamahalal at pakikisama sa kapwa, pagkanta, lahat lahat itinuro mo sa akin. Masaya ako na kasama mo si Jesus. Magkikita rin tayong muli, pero wag muna ngayon ha Ma?!? Many people miss you. I miss you soooooooo much ❤️❤️❤️ Love you forever. #tbt #throwback #mama #elizabethramsey #queenofrockandroll #jaya

A post shared by Jaya (@jaya) on

Dating nagwagi si Elizabeth Ramsey sa isang singing contest noon ng noontime show na Student Canteen taong 1958.

LOOK: Medical emergency ng mga celebrity at kanilang pamilya during ECQ

Jaya's husband Gary Gotidoc suffers mild stroke