Article Inside Page
Showbiz News
Naging emotional ang final episode ng "SOP" last February 28, at isa sa mga deeply affected ng pangyayari ay si Jaya.
Naging emotional ang final episode ng "SOP" last February 28, at isa sa mga deeply affected ng pangyayari ay si Jaya who was with the show for almost 10 years. Ano nga ba ang nararamdaman ng Soul Diva sa pagkawala ng SOP? Text by Loretta G. Ramirez, Photos courtesy of GMA Network
Maraming na-touch sa final concert ng
SOP last Sunday. Lahat halos ng naging part ng show ay nandoon to bid their loyal viewers adieu.
"Any show, any project na meron ka na nagsasara, lalo na if it’s more than 10 years, 12 years, 13 years parang malungkot," ang seryosong pahayag ni Jaya sa iGMA.

But she clarified na mas concerned at worried siya para sa mga staff ng
SOP.
"We’re sad for the staff more than ourselves. Kami kahit papaano, carry. May mga trabaho kaming left and right, kung ano man 'yan. Sa staff medyo mahirap 'yan, kasi buhay na nila 'yan tapos biglang isang iglap wala na," ang dagdag pa ng Soul Diva.
"Pero sabi ko nga ‘pag may nagsasarang pinto may susunod na magbubukas so ‘wag mawawalan ng pag-asa di ba? ‘Yun lang naman eh, trabaho talaga ang kailangan ng mga staff so I'm hoping for them to have another project or a job or another show."
Party Pilipinas
Before
SOP ended last Sunday, nagbigay na ng hint ang mga main hosts ng show na sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Janno Gibbs at of course si Jaya, na they will be back soon.
Nauna na ngang nagbigay ng pahayag si Ogie at Regine about the new show
Party Pilipinas.
Ano ang pagkakaiba nito sa
SOP?
"From what I was told, magbibigyan nga daw ng magagandang spots and segments ang mga talents, mafe-feature lahat talaga," Jaya shares.
And with this, aminado siya na masaya siya sa ganitong set-up.
"Well there’s not much I can ask for. I'm so blessed. Hindi ako super superstar--alam mo 'yung parang lumulutang sa ere but I have a very stable career and I plan to keep it that way. And hopefully marami pa kaming ipapalabas na talent sa bagong show but I wanna do more dancing. Hopefully I can be given a chance ‘no?" And with that she laughed and bid us goodbye.
Curious ba kayo about
Party Pilipinas? Abangan ito ngayong Marso!
Pag-usapan si Jaya at ang kanyang bagong show sa pinagandang
iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
Subscribe na sa Fanatxt service ni Jaya!
Just text JAYA(space)ON and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)