
Naiyak sa tuwa ang dating Viva Hot Babe na si Jaycee Parker matapos magsilang ng kambal na babae.
Ipinanganak niya ang kambal nilang anak ng asawang si Jericho Aguas na sina Celeste at Celina noong Sabado, March 16, sa Sacred Heart Medical Center sa Angeles City, Pampanga.
Isinilang ni Jaycee sina Celeste at Celina via cesarean section at may bigat na 5.15 lbs at 3.15 lbs.
Sa heartwarming birthing story video na in-upload ni Jericho sa Instagram, mapapanood na emosyonal si Jaycee matapos isilang ang ipinagbubuntis niyang kambal, na unang pares niyang anak sa Angeles City councilor.
Tinawag ni Jericho ang kanilang kambal na "double dragon."
Ikinasal sina Jaycee and Jericho sa King's Royale Promenade sa Bacolor, Pampanga noong August 19, 2018.
Dating asawa ni Jericho ang yumaong aktres na si Isabel Granada kung saan meron siyang anak na lalaki na si Hubert Thomas, 20.