GMA Logo Jayson Gainza new home
What's Hot

Jayson Gainza, inalala ang pagsalanta ng Bagyong Ondoy sa kanilang pamilya

By Aedrianne Acar
Published November 6, 2024 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One week reenacted budget won't hurt gov't ops in 2026 — Recto
Siblings slain on Christmas Day in Cebu City
How celebrity families celebrated Christmas 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Jayson Gainza new home


Pamilya ni Jayson Gainza, isa rin noon sa nasalanta nang tumama ang Bagyong Ondoy. Balikan ang buong kuwento niya sa GTV cooking show na 'Lutong Bahay.'

Inilarawan ng comedian-host na si Jayson Gainza na “traumatic” ang experience nila nang manalasa ang Bagyong Ondoy noong September 2009.

Ito ang lahad niya nang mag-guest sa GTV show na Lutong Bahay kung saan ibinahagi ng Sparkle comedian kay Mikee Quintos na 2012 pa sila nakatira sa kasalukuyang nilang tahanan.

Kuwento ng TicktoClock host kay Mikee, “Sa Marikina kami, natakot na kami sa baha.” Biro pa niya, “Ayaw namin muna mag-resort kapag umuulan, kasi [dun] nagre-resort e.”

“Natatakot na kami, Ondoy e.”

Sunod na tanong ni Mikee, “Ano'ng nangayri sa inyo nung Ondoy?

“Nung Ondoy, inabot yung amin mga hanggang dito (motion with his hands). Apat na 'yung anak ko nun, siyempre buti na lang meron kami second floor,” lahad ni Jayson.

Samantala, noong nakaraan buwan, ipinasilip ng Kapuso star ang ipinapagawa niyang bagong bahay.

Isang post na ibinahagi ni Bighead Abiad Gainza (@imjaysongainza)

Matatandaan na opisyal na pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center si Jayson noong 2023.

Bukod sa current show niya na TicktoClock, napanood din siya sa Kapuso shows tulad ng GMA Prime series na Black Rider at sa sitcom na Happy ToGetHer na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz.

RELATED CONTENT: JAYSON GAINZA'S SHOWBIZ CAREER