
Pasabog na performance ang napanood sa pagsisimula ng Agosto sa TiktoClock.
Nag-perform sa production number ang TiktoClock girls na sina Faith Da Silva, Herlene Budol, Hailey Dizon, at Tala Gatchalian. Ipinakilala nila ang kanilang grupo na 4 o'Clock girls. Kasama nila na nag-perform sa TiktoClock sina Juan Paolo Calma, Drei Arias, Jhon Mark Marcia, at Paolo Gumabao.
Sa video ng TiktoClock nagpahayag ng reaksyon ni Jayson sa performance ng kanyang co-hosts. Saad sa post ng TiktoClock, "Naiyak si Kuya Jayson sa performance ng ating pinaka bagong girl group, #4oclock"
Kuwento naman ni Jayson sa video, "I'm very proud sa mga girls natin. Sila Tala, Hailey. Herlene, Faith. Noong nakita ko nag-practice sila, ang galing nila sumayaw. Ang galing. Ang galing talaga nila, grabe."
Saad pa ni Jayson ay sana magka-prod number rin sila nila Kuya Kim Atienza at Pokwang.
"Sana may ganoon din kami. Ako, si Kuya Kim, si Mamang (Pokwang)."
Balikan ang performance ng 4 o'clock girls dito:
Patuloy na subaybayan ang happy time ngayong Agosto sa TiktoClock, 11:00 a.m. sa GMA.
SAMANTALA, BALIKAN ANG PHOTOS NG TIKTOCLOCK STARS SA 75TH ANNIVERSARY NG GMA: