
Hindi naitago ng Kapamilya actor na si JC Alcantara ang kaniyang paghanga kay Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
Sa isang exclusive interview ng GMA Network.com, ibinahagi ni JC na matagal na niyang pangarap makasama si Barbie sa isang proyekto.
"Sobrang dream come true sa akin kasi I am a fan since 2011," sabi ni JC.
Aniya, "Now it happened so, grabe 'yung hindi ko ine-expect na gusto ko pang makatrabaho, nakatrabaho ko pa."
Hinangaan din ng Kapamilya actor ang personality at dedikasyon ni Barbie sa kaniyang trabaho.
"After noong nasa scene kami, sobrang approachable, sobrang dedicated na artista. Alam mo 'yun 'yung dalawang taping na 'yung tina-taping niya nun pero grabe, hindi siya nawawalan ng energy kaya sobrang happy ko na maka-work si Barbie," ikinuwento ng aktor.
Kasama ni Barbie si JC sa kanilang horror film na P77, na mapapanood na sa mga sinehan nationwide.
Maliban kay Barbie, ibinahagi rin ni JC na mayroon pa siyang isang Kapuso star na nais makatrabaho.
"Sana maka-work ko din si Shuvee Etrata," sabi niya.
Samantala, isa rin si JC sa mga handsome at dashing male stars na dumalo sa nagdaang GMA Gala 2025 noong Sabado, August 2, sa Marriott Hotel Manila sa Pasay City.
Kilalanin dito ang Kapamilya actor na si JC Alcantara: