GMA Logo JC Alcantara
What's Hot

JC Alcantara, grateful na maging bahagi ng 'P77'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 23, 2025 4:25 PM PHT
Updated July 24, 2025 4:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Two high-speed trains derail in Spain, broadcaster reports 5 people killed
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

JC Alcantara


Kuwento ni JC, bata pa lang siya ay pinapanood na niya si Barbie Forteza sa telebisyon.

"Sa dinami-raming artista, ako 'yung nabigyan ng chance. Thank you po sa opportunity."

Ito ang taos-pusong pahayag ng aktor na si JC Alcantara sa press conference ng upcoming mind-bending horror movie ng GMA Pictures na P77.

Ayon kay JC, bata pa lamang siya ay pinapanood na niya si Barbie Forteza sa telebisyon.

"Isang karangalan din makatrabaho si Barbie. I'm a fan since 2011, yes, bata pa lang ako pinapanood ko na siya," he said.

RELATED GALLERY: Get to know Kapamilya actor JC Alcantara

Sa pelikula, ginagampanan ni JC si Theo, isang misteryosong binatang nakatira sa P77 kung saan magtatrabaho ang karakter ni Barbie na si Luna.

"Marami kayong aabangan dito sa character ko, sa lahat ng character dito kasi kami ni Direk [Carlos Siguion-Reyna] ang family dito hanggang sa ma-meet ko si Barbie Forteza," patikim ni JC.

Mapapanood ang P77 sa mga sinehan sa buong bansa simula July 30.