GMA Logo Barbie Forteza, JC Alcantara
PHOTO COURTESY: @kitdfrancia via @barbaraforteza | @imjcalcantara (Instagram).
What's Hot

JC Alcantara lauds Barbie Forteza for her generosity as co-star

By Dianne Mariano
Published August 4, 2026 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd seeks Congress' backing for separate pay for ARAL teachers
Is your tummy trying to tell you something? simple ways to take control of your digestive health
CCTV helps police solve ring swap scam in Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza, JC Alcantara


Masaya ang Kapamilya actor na si JC Alcantara na muling nakatrabaho ang Sparkle actress na si Barbie Forteza.

Muling mapapanood sa isang pelikula ang Kapuso star na si Barbie Forteza at Kapamilya actor na si JC Alcantara sa pamamagitan ng upcoming comedy film na Saving Cherry.

Bago pa man ito, nagkasama na sina Barbie at JC sa psychological-horror film ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na P77.

Sa naganap na media conference para sa nalalapit na pelikula, ibinahagi ni JC kung gaano niya na-appreciate si Barbie dahil sa pagiging mapagbigay nito bilang co-star.

“Naka-work ko na si Barbie before sa P77. Sobrang relaxed, alam mo 'yung comfortable ako na makakagawa rito kasi walang magja-judge e. Hahayaan ka lang nila na gawin 'yung gusto mo, gawin mo 'yung character mo.

“Sobrang na-appreciate kita Barbie kasi lahat ng co-artist niya, nakita ko kay Barbie Forteza kung paano niya ibigay sa mga co-artist niya 'yung magsha-shine ka, kailangan pare-pareho tayo ganito. Ibibigay niya sa'yo 'yung character mo, 'yung kabatuhan mo. Hindi puwedeng siya 'yung aangat lang, basta tayo dito pantay-pantay. 'Yun 'yung na-appreciate ko kay Barbie since before pa sa P77. Kaya sobrang saya ulit maka-work,” kuwento niya.

Ayon pa kay JC, agad niyang tinanggap ang Saving Cherry nang malamang si Barbie ang isa sa magiging co-star niya dahil marami siyang natututuhan mula sa kanya.

Aniya, “Before ko 'to tanggapin, nag-ask sila kung tatanggap pa ba ako ng ganitong role. And nung sinabing Barbie Forteza, nag-go agad talaga ako, as in. Every time na magka-work kami, parang nagwu-workshop ako kasi ang dami kong natutunan e. Ang sarap katrabaho. Matututo ka kay Barbie kaya sobrang thank you. Thank you, Barbie.”

Bukod kina Barbie at JC, kabilang din sa cast ng Saving Cherry sina Khalil Ramos, Mika Salamanca, Mikee Quintos, AC Bonifacio, Sassa Gurl, Joey Marquez, Kokoy De Santos, at iba pa.

Mapapanood ang Saving Cherry simula September 2 sa cinemas nationwide.

Related gallery: Get to know Kapamilya actor JC Alcantara