GMA Logo JC Alcantara in P77
What's Hot

JC Alcantara, nakaramdam ng kababalaghan sa set ng 'P77'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 22, 2025 1:42 PM PHT
Updated July 22, 2025 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

JC Alcantara in P77


"Sa may bahay ni Barbie Forteza 'yung pakiramdam na ang bigat-bigat ng energy," kuwento ni JC.

May nakakatakot na kuwento ang aktor na si JC Alcantara habang ginagawa nila ang pelikulang P77 kasama si Barbie Forteza.

Sa panayam ng GMANetwork.com, kinuwento ni JC na may naramdaman siyang kakaiba sa taping ng kanilang pelikulang ipalalabas sa simula July 30.

“Parang meron ata akong naramdaman din noon, sa baba,” kuwento ni JC. “Kasi sa sobrang dilim, and mapi-feel mo talaga na sobrang bigat nung paligid.”

“'Yun, na-feel ko na 'yun dun sa may baba, parang mamamatanda ka ata 'pag doon ka nag-work kasi sobrang dilim, tapos may mga statue pa ng mga hayop, sobrang creepy din talaga,” dagdag pa niya.

“Siguro 'yun 'yung na-feel ko nung time na 'yun, nung nagte-taping kami sa baba, kasi isang set lang 'yun, e, sa taas tapos meron pang sa baba, 'yung bahay ni Barbie Forteza.

“Doon ko naramdaman, sa may bahay ni Barbie Forteza 'yung pakiramdam na ang bigat-bigat ng energy.”

Nauna nang sinabi ni JC na GMANetwork.com na naniniwala talaga siya sa supernatural lalo na't bukas ang kanyang third eye.

RELATED GALLERY: Get to know Kapamilya actor JC Alcantara


Sa P77, gagampanan ni JC si Theo, isang misteryosong karakter na parte ng pelikula kung saan magtatrabaho ang karakter ni Barbie na si Luna.

Kumusta kaya ang naging experience niya kasama si Barbie?

“Sobrang saya! Sobrang gaan ka-work ni Barbie Forteza, and makikita mo sa kanya na talagang dedicated siya sa work niya, at nakaka-inspire siya katrabaho kasi sobrang care niya rin sa paligid namin,” pahayag ni JC.

“Ang gaan-gaan niya katrabaho.”

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

Sa ilalim ng direksyon ni Derick Cabrido, ipapalabas ang P77 sa mga sinehan sa buong Pilipinas simula July 30.