GMA Logo JC Regino, April Boy Regino
source: iamjcregino/IG
What's on TV

JC Regino, inalala ang huling sinabi sa kaniya ng amang si April Boy Regino

By Kristian Eric Javier
Published April 26, 2025 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

JC Regino, April Boy Regino


Naging emosyonal si JC Regino nang alalahanin ang huling sinabi sa kaniya ng amang si April Boy Regino.

Maglilimang taon na simula nang pumanaw ang Jukebox King na si April Boy Regino ngunit hindi pa rin malilimutan ng anak at kapwa singer nito na si JC Regino ang mga leksyon at huling sinabi nito sa kaniya.

Sa pagbisita ni JC sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, April 25, emosyonal na inalala ni JC ang huling pag-uusap nila ng kaniyang ama na si April Boy. Pagbabahagi ng young singer, nasa Unites States siya noon nang hilingin ng kaniyang ama na bumalik na siya ng Pilipinas.

Pag-alala ni JC sa sinabi ni April Boy, “'Anak, balik ka na ng Pilipinas, balik ka na dito. Alam ko mas masaya ka dito kasi mas mahal mo 'yung music.' Sabi niya, 'Kumanta na tayo ulit dalawa.'”

Inahalintulad pa ni April Boy ang samahan nila ni JC kina Batman at Robin at sinabing wala silang iwanan. Dagdag pa umano ng Jukebox King, magakasama silang kakanta at gagawa ng mga kanta na ipaparinig nila umano sa recording studios.

“'Samahan mo 'ko, 'wag mo 'kong iwan. 'Wag mo 'kong iwan, gusto ko, kasama kita lagi mag-perform.' 'Yun talaga 'yung huling-huli na hindi ko makakalimutan kay dad,” pag-alala ni JC.


ALALAHANIN ANG NAGING BUHAY NI APRIL BOY REGINO SA GALLERY NA ITO:

Pag-amin ng young singer ay naging mas mahirap na para sa kaniya ngayong wala na ang kaniyang ama. Kahit umano naipagpatuloy niya ang pangarap nila ni April Boy na bumalik siya sa pagkanta, pakiramdam ni JC ay kulang na dahil wala ang kaniyang ama.

“Kapag gumagawa po ako ng kanta. Sa kaniya ko po kasi lagi pinaririnig 'yung kanta ko. Ngayon, wala na. Wala na 'yung pupunta ako du'n, magsasabi sa akin ng 'Anak, ang ganda ng ginawa mong kanta,'” sabi ni JC.

Ipinahayag din ng young singer ang kaniyang pangamba kung tama pa ba ang ginagawa niyang mga kanta ngayong wala na ang ama niya na nagbibigay sa kaniya ng gabay.

Sa huli ay pinasalamatan ni JC si April Boy, “Maraming-maraming salamat po kay dad kasi kahit wala na siya, 'yung pangalan niya, nabuhay sa 'kin. Alam ko, ginagabayan niya po ako ngayon so thank you po sa daddy ko, sa pagpapalaki sa 'kin.”