Article Inside Page
Showbiz News
Sa kanilang unang pagsasama sa isang show, ano nga ba ang masasabi ni JC Tiuseco kay Jackie Rice?
Puro papuri ang mga salitang binitiwan ni JC para sa kanyang co-star at lead actress ng ‘Sisid’ na si Jackie. Text by Karen de Castro. Photo courtesy of GMA Network.

Very sexy ang mga scenes ng afternoon drama na
Sisid, and
JC Tiuseco is no stranger to showing his well-defined body. Ngunit gaano nga ba ka-sexy ang aabangan ng mga manonood sa
Sisid?
“Hanggang sa puwede siguro, pang-afternoon soap,” says JC. "Maikling shorts, tapos siyempre, yung mga scenes namin sa island most of the time, [so] topless or puro cropped-up shirts.”
Nagkaroon ba ng kompetisyon si JC sa pagiging daring with his fellow leading men na sina
Dominic Roco at
Ian Batherson?
“Hindi naman, kasi like si Ian, wala siyang scene sa island, kasi yung role niya, mayaman so dito sila sa Manila,” he says.
Speaking of being daring, ano naman ang masasabi niya sa bida ng
Sisid na si
Jackie Rice at ang kanilang unang team-up sa isang soap?
“Si Jackie, sobrang daling katrabaho, sobrang bait, tapos kahit ngayon nga may injury siya, ginagawa pa rin niya 'yung mga [scenes], kahit na bawal mabasa yung paa niya, nira-wrap lang nila ng cling wrap na plastic para hindi mabasa,” kuwento ni JC.
Ayon din kay JC, hindi pahuhuli si Jackie sa pagpapa-sexy dito sa kanilang show. “Dun sa trailer pa lang, makikita niyo na kung gaano kanipis yung dress niya, so may pagka-sexy nga talaga.”
Hinangaan din ni JC ang determinasyon ni Jackie to prepare fo her role. Bilib siya sa aktres dahil mula sa pagiging takot na lumangoy ay magaling na itong sumisid ngayon.
“Dito sa
Sisid, siya yung pinakamagandang babae sa island tapos siya yung pinakamagaling na maninisid na babae sa island so ayun. From scratch, ‘di ba, siya na ngayon yung pinaka magaling na sumisid sa island,” ang nakangiting pagtatapos ni JC.
If you want to know more about the preparations for
Sisid, mag-log on na sa iGMA.tv ngayong
June 10, 2011, Friday from
2 P.M. to 4 P.M. para sa
iGMA Live Chat! Live na live niyong makakasama sina Jackie, JC at Dominic kaya naman prepare your questions and makipag-chat na. You can go to
www.igma.tv/livechat for more details on this exclusive event.
Patuloy na manood ng
Sisid tuwing hapon dito lamang sa GMA
Dramarama sa Hapon.
Pag-usapan si JC sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register
here!
Get the latest updates on JC and Jackie.
Just text JCT / JACKIE (space) ON ands end to 4627 for all networks. For MMS wallpapers,
text GOMMS (space) JCT / JACKIE (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.