What's Hot

JC Tiuseco, Sole Survivor

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 1:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH gov't vows continued provision, protection for OFWs —Marcos
Sandara Park appointed promotional ambassador for the Overseas Korean Affairs Office
CDO exec alarmed by 14 tons of daily medical waste

Article Inside Page


Showbiz News



After winning the coveted three million pesos grand prize ng 'Survivor Philippines,' ano na ang masasabi ng Sole Survivor na si JC Tiuseco sa experience niya?
After winning the coveted three million pesos grand prize ng 'Survivor Philippines,' ano na ang masasabi ng Sole Survivor na si JC Tiuseco sa experience niya with the show? Text by Jason John S. Lim, interview with Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio and Erick Mataverde. Masaya naman si JC Tiuseco nang tanungin siya ng iGMA with regards sa kanyang pagkakapanalo bilang Sole Survivor sa first season ng Survivor Philippines. But according to him, "parang hindi pa nagsi-sink in sa akin eh." starsJC says na life has been the same since he returned from Koh Tarutao. Then again, inamin rin niya na hindi pa siya nakakalabas ng todo since leaving the island. "[Nag hintay] ng matagal sa bahay, kasi bawal nga kami lumabas masyado." But he adds na tinuloy pa rin niya ang kanyang schooling, kahit na hindi siya makapasok physically sa kanyang college. "Natapos ko naman 'yung first [semester] ko bago ako umalis papuntang Thailand," he relays. "Tapos second sem, nag-enroll pa rin ako. Kasi [sa] March, graduating na rin ako eh. 'Yun lang 'yung ginagawa ko ngayon." JC is taking up Management sa San Sebastian College. Joining Survivor "May audition din dito sa GMA." JC says na sa network building siya mismo nag-audition the first time around. But whether that gives him an advantage against the other contestants, hindi rind aw. "Mahirap [ang auditions,] kasi maraming level. Tapos ang dami niyo pa, hindi mo alam sino 'yung makukuha." When he did get into the game, hindi pa rin natapos ang challenges kay JC—at sa iba pang castaways ng Survivor Philippines. Behind the camera, mas mahirap pa raw ang buhay sa camp. "Buhay sa camp—'yung pagkain, worse talaga. Kasi hindi alam [ng viewers] na kung may violation kami, 'yung bigas na rasyon sa amin, binabawasan pa. E ilan kami? Ang dami namin. Magshe-share pa kami doon. Lalo na sa Chalam camp? Ang hirap makahanap ng halaan, hindi katulad doon sa una namin—ang daming crabs, mga shells. Doon sa kabila, wala na talaga. Tapos pag nag-high tide pa, wala na talaga." JC explains na they were asked to evacuate Naak's first camp dahil sa high tide. "Parang nawawala 'yung island." And that was why they weren't given a choice during the merge, kung saang camp nila gustong tumira. Kasi if they did, JC laughs, "Lulutang na lang kami doon. stars"Pag gabi, kinakabahan na kami. So nilipat din kami doon sa malapit sa Jarakay." And dahil nga sa shortage of food, kinuwento ni JC na masarap ang kahit ano—kahit na ang coffee-drenched rice. "Nung nandoon ako? Ang sarap eh! Para siyang champorado. Pero ewan ko ngayon, siguro hindi na ako masasarapan." He adds na while in the island, "Magkaroon lang ng lasa 'yung kanin, okay na." After Survivor "Ako? Still waiting for projects." Aminado si JC na aside from the 3 Million Pesos (tax free) na grand prize, marami rin sa castaways ang hoping na makapasok sa showbiz after the show. In fact, three of them are semi-regulars na sa various GMA programs: Nikki Daculo who appears regularly sa Unang Hirit, si Patani Daño na nasa Ful Haus, at si Jace Flores na nakikita gabi-gabi sa Luna Mystika. Bukod sa kanila, Kiko Rustia has appeared in Born to be Wild na, at si Marlon Carmen naman ay naging guest sa special 2-part episode ng Dear Friend this December. "Pare-pareho naman kami na after the 3 Million; siyempre inisip rin namin na after Survivor, sana may opportunity rin kaming makapasok sa showbiz." And that's why, ayon kay JC, "kung may ibibigay man sa amin 'yung GMA--antay lang kami ng projects na darating." Anong shows nga ba ang dapat abangan na magfi-feature sa first ever Sole Survivor? We have our bets dito sa iGMA—care to tell us your guesses?