What's Hot

JC de Vera, inamin ang feelings niya for Heart at Arci

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 17, 2020 9:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Most men fantasize two women fighting over them. Para kay JC, ano ba talaga ang tingin niya sa dalawang magagandang co-stars?
Aminin natin o hindi, hangad na panaginip lamang ng karamihan ng lalaki ang pag-agawan ng dalawang babae. Ano ba talaga para kay JC de Vera ang totoong tingin niya sa kanyang mga leading ladies? Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio. starsNang makausap namin kamakailan si JC de Vera, ang male lead star ng highly rated SineNovela ang Ngayon At Kailanman, relaxed siyang nagre-rehearse ng isa sa mga scene na tiyak ikakagulantang ng manonood. "Ang gusto kasi nila, maging fast-paced, gusto nila every week may nangyayari," explained JC nang tinanong namin siya sa kakaibang mga eksena na kanilang ginagawa. "Imagine, week nine pa lang 'yung script at hanggang week fifteen pa lang kami, so dinala na kaagad sa climax para maging fast-paced siya. "Kasi sa original story naman, sobrang maiksi, so lalagayan talaga ng mga twist and 'yung mga characters medyo different na sa original story. Depende [kasi] siya sa viewers, ganyan ang ginagawa ng GMA, nag-aadjust sila sa kanilang [mga] gusto." Siyempre, dahil sa ikagaganda ng istorya, tinitingnan din kung ano pang elements ang dadagdag pa sa interest ng audience: "Well, [this applies] sa lahat ng pang-hapon, lalo na sa mga SineNovela. Hindi puedeng ma-stuck ka sa puro drama lang, kasi 'di ba nga, ang tao masyadong madrama na? Masyadong mabigat na. So 'pag talagang nilagyan mo ng heavy drama, parang hindi na masyadong magugustuhan; gusto nila ng kaunting action din, [at magiging] excited sila, 'di ba?" Pagmamahal o kayamanan? Pero ang isang elementong hindi magbabago dito ay ang alitang Ayra at Donna. Kaya aming tinanong si JC kung kamusta naman katrabaho si Heart Evangelista at Arci Munoz. "Both are professional, wala kang doubts dun. In character sila palagi, never sila lumilihis," JC replied. Ngunit may mga iba pang pinagtapat din si JC sa amin tungkol sa kanyang mga leading ladies. "What's great kasi is—una si Arci, kakaiba 'yung character niya dito kasi sobrang maldita and na-perfect na niya 'yung galaw ni Ms. Cherie Gil dun sa movie. So maganda, kasi 'yung impact na nabibigay niya dun sa show parang, 'Walang hiya, nakakaasar talaga siya eh!" Oo, nakakaasar talaga siya," he confessed. "Kahit ako, sabi ko [kay Arci], 'Nakakaasar ka!' kasi 'yung itsura niya rin, tapos naging consistent siya kung papaano siya magsalita, kung papaano siya mag-deliver ng lines, so ang galing. 'Yun 'yung maganda sa kanya. "With Heart naman, wala kang reklamo sa kanya. Halos palagi nauuna pa siya sa set sa kin, tapos memorize [na] niya ang lines niya, kahit monolouge pa—lahat nakukuha niya. Wala siyang problema sa drama, kasi mababa ang luha. Kaunting ano, naiiyak na, so ang galing! Tapos masarap siyang ka-eksena. Kasi ako, since nagdradrama ako, may mga bigla akong pinapasok na lines at actions. Tapos siya naman, nagre-reciprocate siya, bumabawi siya. So nangyayari, nagiging interesting ang pag-arte—nalalaro namin. stars JC concluded, "Ang maganda din sa kanya, since first time namin mag-work, pina-feel niya sa akin na maging kumportable ako sa kanya. At least magawa namin 'yung craft nang maayos." Kamustahin si JC nang deretsahan! Text JC [your message] Send to 4627 for all networks. For GOMMS (wallpaper) just text GOMMS JC to 4627 for all networks. Telco charges apply. (This service is only available in the Philippines.) Pag-usapan ang triyangulong Edwin, Ayra at Donna! Mag-log on na sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!