
Muling magkakasama sina Jean Garcia at Carmina Villarroel sa Kambal, Karibal. Unang nagkatrabaho ang dalawa noong 2006 sa GMA Fantaserye na Majika starring Angel Locsin, Dennis Trillo at Katrina Halili.
Aniya, "Nagkasama kami ni Carmina sa Majika, 'yung kay Angel [Locsin.] Magkapatid kami roon. 'Yun lang 'yung naaalala namin. Never pa kami nagkaroon ng ganitong [close encounter sa roles.] Never pa [never ko pa siya nasaktan sa eksena.]"
Magiging magkaribal din ang roles nina Jean at Carmina rito sa upcoming teleserye nila. Aniya, "Magkaaway po kami rito ni Carmina. Hindi pa namin alam pero kami 'yung magiging magkaaway talaga. Pero lumalaban din naman siya. Pero ako kasi 'yung aapi sa mga anak niya. Ang mga anak niya kasi talaga is 'yung mga kambal, siya 'yung nanay, eh. Pero ako 'yung nagpalaki," paliwanag ni Jean.
Naikuwento pa niya na magbabaliktad ang roles nila rito sa Kambal, Karibal kumpara sa roles nila sa Majika. Paliwanag niya, "Parang sa Majika kasi magkapatid kami pero siya naman 'yung salbahe, ako 'yung mabait. Hindi ko alam kung nagkasakitan kami. Hindi ko na rin matandaan kasi ang tagal na nun, 2006 pa 'yun. 11 years ago. At hindi ko pa naalala, siya pa nagpaalala sa akin," kuwento niya.
Sinalaysay rin ni Jean kung paano pinaalala sa kanya ni Carmina ang kanilang stint sa Majika. Kuwento niya, "Sabi ko pa sa kanya, 'Mins, buti naman magkakatrabaho na tayong dalawa kasi ikaw yata 'yung hindi ko pa nakakatrabaho.' Sabi niya, 'Ano ka ba Ate, nagkatrabaho na tayo sa Majika.' Sabi ko, 'Saan?' Sabi naman niya, 'Hindi ba magkapatid tayo roon?' [Tapos doon ko naisip,] 'Ah! Oo nga no!' Kasi hindi kami masyado magkaeksena. Parang bihira. Mas more on kaeksena ko si Angel Locsin, eh. At saka si Zoren [Legaspi] 'yung asawa niya. Kasi parang inagaw pa nga niya sa akin si Zoren doon. Hindi ko na matandaan, 11 years na 'yun."
Abangan sina Jean Garcia at Carmina Villarroel sa Kambal, Karibal ngayong November 27 na sa GMA Telebabad.