GMA Logo Magpakailanman
What's on TV

Jean Garcia, bahagi ng kakaibang love triangle sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published July 17, 2025 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 15, 2025) | GMA Integrated News
Teen stabbed multiple times in DueƱas, Iloilo
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Bibida si Jean Garcia kasama sina Rafael Rosell at Mia Pangyarihan sa bagong episode ng 'Magpakailanman.'

Matutunghayan ang husay ni Jean Garcia sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Sa episode na pinamagatang "I Love You, Tita," gaganap siya bilang Doc Jane, isang biyudang masasangkot sa isang kakaibang love triangle.


Makakasama niya sa episode sina Mia Pangyarihan na gaganap bilang anak-anakan ni Doc Jane na si Lanie, at Rafael Rosell na gaganap naman bilang asawa ni Lanie na si Jay.

Nang mabiyuda si Doc Jane, si Jay ang naging takbuhan niya. Lalong lalalim ang kanilang ugnayan habang nasisira ang pagsasama nina Jay at Lanie.

Anong mangyayari sa relasyon nina Doc Jane, Jay, at Lanie?

Abangan ang brand-new episode na "I Love You, Tita," July 19, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.