
Hindi usual na mayamang roles ang gagampanan ni Jean Garcia sa Kambal Karibal dahil gagampanan niya ang role na isang palengkerang kontrabida.
Aniya, "Ang challenge sa akin dito, kasi hindi naman ako gumagawa talaga ng mga palengkera [roles.] Minsan [ang] dini-direct sa akin na 'oh, maingay [ka dapat] ah, palengke ah, palengke ah.' Tapos every time magka-cut sila, pinagtatawan din nila, kasi hindi rin naman din sila sanay na ganun [ako.] Tsaka walang poise talaga, so it's something different. Ako rin natatawa actually."
Gaganap si Jean Garcia bilang stepmother ng Kambal na sina Crisanta (Bianca Umali) at Criselda (Pauline Mendoza) sa Kambal, Karibal.