GMA Logo Jean Garcia, Jo Berry, Rita Daniela crossover
What's Hot

Jean Garcia, excited sa major crossover ng 'Widows' War' at 'Lilet Matias, Attorney-At-Law'

By EJ Chua
Published December 26, 2024 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia, Jo Berry, Rita Daniela crossover


Ano kaya ang masasabi ni Madam Aurora (Jean Garcia) tungkol sa major crossover ng 'Widows' War' at 'Lilet Matias, Attorney-At-Law'?

Kasalukuyang napapanood sa GMA ang major crossover ng Lilet Matias, Attorney-At-Law at Widows' War.

Sa isang exclusive interview, nagbigay ng pahayag ang Widows' War actress na si Jean Garcia tungkol sa mga nangyayari ngayon sa dalawang GMA series.

Ayon sa batikang aktres, masaya at excited siya sa susunod pang mga matutunghayan ng mga manonood tungkol sa ongoing crossover.

Sabi niya, “Ang saya-saya, ang Widows' War nag-crossover sa Lilet Matias, Attorney-At-Law at ang Lilet Matias, Attorney-At-Law nag-crossover naman sa Widows' War.

RELATED CONTENT: Widows' War: Who's the toughest widow among these women?

Kasunod nito, ikinuwento ni Jean Garcia kung paano nagsimula ang koneksyon ng ilang mga karakter sa dalawang programa.

“Papaano ba nangyari ito? Si Rebecca (Rita Daniela) kasi kinailangan ng isang magaling na abogado. Hindi na sila magkasundo talaga ni Aurora Palacios (Jean Garcia), wala siyang money para makakuha ng magaling na lawyer. Doon lumabas si Atty. Lilet Matias (Jo Berry), dahil siya ay abogado ng bayan,” paglalahad ng aktres.

Dagdag pa ni Jean, “Nakuha ni Rebecca si Lilet at nagkaroon ng koneksyon si Atty. Lilet Matias sa mga Palacios because of Rebecca… sa problema niya kay Aurora na ipinaglalaban niya ang kanyang twins na ipinaampon ni Aurora Palacios sa iba.”

Sa naging pahayag ni Jean, ramdam ang excitement niya sa mga eksenang kasama niya ang ilang cast members ng Lilet Matias, Attorney-At-Law.

“Happening now, naku this is very exciting, ako po sobrang excited din at talagang looking forward ako sa mga eksena na nakuhanan na namin with Jo Berry and the rest of the cast of Attorney-At-Law.”

Samantala, bukod kay Jo Berry, tampok din sa crossover ang karakter ni Tom Rodriguez sa afternoon series na si Atty. Renan.

Ang Widows' War ay ipinapalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, habang ang Lilet Matias, Attorney-At-Law naman ay mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.