What's on TV

Jean Garcia, hinulaan ang love life ni Sheena Halili?

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 6, 2020 5:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Jericho Francisco Jr. gets another skateboarding gold for PH
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan sila sa 'Dear Uge' ngayong Linggo, October 16. 

Sino kaya ang Prince Charming ni Sheena Halili? ‘Yan ang huhulaan ni Jean Garcia tungkol sa kanyang co-star sa episode ng Dear Uge ngayong Linggo, October 16.

Sa totoo lang, hindi magaling na manghuhula si Maria (Jean) dahil masuwerte na kung tumugma ang isa sa sampung hinuhulaan niya. Pero dahil sa galing niya magsalita ay marami pa rin siyang napapaniwala. Isa na dyan si Rose (Sheena), isang teenager na dahil sa sobrang pagka-fan ng AlDub ay nais na ring makilala ang Prince Charming niya.

Magpapahula si Rose tungkol sa kanyang love life, at magkakatotoo ang description ni Maria sa Prince Charming niya. Sa sobrang saya ni Rose, papangakuan niyang dodoblehin niya ang bayad kay Maria kung magkatuluyan sila ng lalaking nakilala niya. 

Dahil gipit sa pambayad sa renta si Maria, siya mismo ang gagawa ng paraan para magkaroon ng relasyon si Rose at ang kanyang Prince Charming. Tila effective dahil magiging close ang dalawa.

Pero paano kung may sabit pala? Ano na ang gagawin ni Maria?

Tutukan ‘yan ngayong Linggo, October 16 sa kuwentuwaang pinamagatang ‘Miss Fortune Teller’ sa Dear Uge, pagkatapos ng Sunday PinaSaya.