GMA Logo Jean Garcia
What's Hot

Jean Garcia, magbibigay inspirasyon sa Christmas specials ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published December 15, 2021 1:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia


Abangan ang natatanging pagganap ni Jean Garcia sa "The Affair" episode ng 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado sa GMA.

Kaabang-abang ang mabibigat na eksena ni Jean Garcia ngayong Sabado, December 18, para sa "Pasko ng Pag-asa: The Wish Ko Lang Christmas Specials."

Ayon kay Jean, espesyal para sa kanya ang episode na ito ng bagong Wish Ko Lang dahil napakaganda ng kwento at napakagaling ng lahat ng gumanap.

"Lahat na ng roles halos yata nagawa ko na, pero ang special sa akin dito sa Wish Ko Lang episode was first time ko nakatrabaho ang mga artista na kasama ko rito," pagbabahagi ni Jean.

Dagdag niya, "I am truly excited and sobrang happy and proud. 'Di po ako nagkamali sa excitement ko kasi napakaganda po ng episode namin at napakagaling po nilang lahat."

Gagampanan ni Jean ang mapag-arugang karakter ni Anita, isang ina at asawa na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya.

"Anita is katulad ng halos lahat ng nanay na gagawin ang lahat para sa pamilya lalong-lalo na 'pag mga anak na ang pinag-uusapan. Nagiging matibay at gagawin lahat ng sakripisyo para sa mga anak," pagbabahagi ni Jean tungkol sa kanyang karakter.

Kahit na mahirap ang buhay sa dalampasigan, masaya ang pagsasama ng mag-asawang Anita (Jean Garcia) at Noel (Arnold Reyes). Mayroon mang sakit sa pag-iisip ang kanilang anak na si Jeff (Dentrix Ponce), maaasahan naman ang panganay nilang si Hazel (Crystal Paras).

Magbabago ang lahat nang tanggapin ng mag-asawang Anita at Noel ang alok na trabaho sa Italya ng kumare nilang si Ruby (Arny Ross).

Ano kayang buhay ang kapalit sa pag-alis ni Noel patungong Italya kasama si Ruby? Paano haharapin ni Anita ang matutuklasan tungkol sa asawa matapos ang tatlong taong hindi pagpaparamdam?

Huwag palampasin ang nakapapanabik na kuwento sa "The Affair" episode ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, mas kilalanin pa si Jean Garcia sa gallery na ito: