What's on TV

Jean Garcia, masasampal at masasabunutan ni Michelle Aldana sa 'Nakarehas Na Puso'

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 16, 2022 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: January 1, 2026
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

Michelle Aldana and Jean Garcia in Nakarehas Na Puso


Ang nang-aapi noon ang siya nang aapihin ngayon! Ano kaya ang masasabi ni Michelle Aldana?

Kung sa GMA Telebabad series na Lolong ay kinaiinisan ang karakter ng batikang aktres na si Jean Garcia, sa upcoming GMA Afternoon Prime series naman na Nakarehas Na Puso ay kaaawaan ito ng mga manonood.

Gagampanan ni Jean sa Nakarehas Na Puso ang mapagmahal na inang si Amelia na makukulong dahil sa kagustuhan niyang mabigyan ng magandang buhay ang mga anak.

"Ipapakita rito na mahaba, na mahirap makulong. Mahirap gumawa ng isang krimen, ito nga, hindi nga siya gumawa ng krimen, e, na marami din dito sa atin sa Pilipinas na kinakasuhan, at [nahahatulang] guilty, at makukulong siya, pero actually wala naman siyang kasalanan," kuwento ni Jean sa interview with Cata Tibayan sa 24 Oras.

Sa Nakarehas Na Puso, si Jean naman ang aapihin ng nagbabalik showbiz at dating beauty queen na si Michelle Aldana.

Ano kayang pakiramdam niya na sasampalin at sasabunutan niya ang nag-iisang Jean Garcia?

"It's an honor na masasampal at masasabunutan ko si Ms. Jean. It was really terrifying for me," pag-amin ni Michelle.

Makakasama nina Jean at Michelle sa Nakarehas Na Puso sina Leandro Baldemor, Vaness Del Moral, EA Guzman, Claire Castro, Bryce Eusebio, at Ashley Sarmiento.

Mapapanood ang Nakarehas Na Puso simula September 26, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.