What's on TV

Jean Garcia, masaya sa kanyang 'Magpakailanman' comeback

By Marah Ruiz
Published July 18, 2025 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia


Masaya si Jean Garcia sa pagbabalik niya sa 'Magpakailanman' matapos ang ilang taon.

Muling mapapanood ang aktres na si Jean Garcia sa bagong episode ng Magpakailanman.

Ito ang comeback episode niya sa real-life drama anthology matapos ang ilang taon.

"Sa mga once a week shows ng GMA, isa 'yan sa paborito ko, Magpakailanman. Medyo macha-challenge ka kasi 'yung mga roles na binigay, saka mga stories ng Magpakailanman palaging very very special. At dahil true to life siya, kaya mas lalo pa siyang espesyal," pahayag ni Jean.

Sa episode na pinamagatang "I Love You, Tita," gaganap siya bilang biyudang mai-involve sa asawa na kanyang pamangkin.



"Itong [Magpakailanman episode] na 'to is a story of forbidden love, heartbreak, emotional entanglement," paliwanag ng aktres.

Makakasama niya dito sina Rafael Rosell at Mia Pangyarihan.

"Sa Magpakailanman episode na 'to, for me, nakita ko 'yung mas vulnerable side n'ya, 'yung mas younger side niya din para sa akin. Iba rin 'yung dynamics," paglalarawan ni Rafael sa reunion nila ni Jean matapos gumanap bilang mag-ina sa primetime series na Widow's War.

Lubos naman ang naging excitement ni Mia na makatrabaho si Jean.

"Grabe 'yung kaba ko, 'yung excitement noong araw na 'yun. 'Yung unang unang eksena namin ni Ms. Jean, naiyak talaga ako noong nakita ko siya," paggunita ni Mia.

Umaasa naman si Jean na magugustuhan ng mga manonood ang kanilang episode.

"Dapat nilang panoorin kasi marami silang matututunan. Very emotional ang mga eksena. I'm sure maiiyak kayo, matatawa din. Basta, iba ibang emosyon," paghikayat niya.

SILIPIN ANG MGA EKSENA NG EPISODE DITO:



Abangan ang brand-new episode na "I Love You, Tita," July 19, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.