
Pataas nang pataas ang rating ng family-drama ng GMA Afternoon Prime na Nakarehas Na Puso kaya naman taos-pusong nagpasalamat ang bida nitong si Jean Garcia.
Sa Instagram, ibinahagi ni Jean ang isang video kung saan makikita ang kanilang reaksyon nang sabihin ng kanilang executive producer na si Kaye Atienza Cadsawan ang magandang balita.
Sulat ni Jean sa caption, "Maraming maraming salamat po mga Kapuso sa suporta at pagmamahal sa Nakarehas Na Puso, we are truly grateful!"
"To God be all the glory!!! Mabuhay po kayo!"
Sa October 26 episode ng Nakarehas Na Puso ay nakakuha ito ng 8 percent ratings ayon sa National Urban Philippines People Ratings ng Nielsen Philippines.
Sa Nakarehas Na Puso, ginagampanan ni Jean ang inang si Amelia na muling kinukuha ang loob ng mga anak niyang sina Lea, Miro, at Olive na ginagampanan nina Vaness Del Moral, EA Guzman, at Claire Castro.
Patuloy na panoorin ang Nakarehas Na Puso, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.
SAMANTALA, MAS KILALANIN PA ANG MGA KARAKTER NG NAKAREHAS NA PUSO DITO: