What's Hot

Jean Garcia on Thea Tolentino: 'You’re on the right track'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2020 11:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News



Veteran kontrabida Jean Garcia has an acting tip for neophyte kontrabida Thea Tolentino. Her wise words: "Kailangan mong angkinin 'yung role mo. Kung kontrabida ka, kontrabida ka talaga."
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Kung tutuusin, maraming kontrabida ang kabilang sa cast ng The Half Sisters. Hindi nga lamang lahat ay masama ang ugali ng kanilang character tulad ng kay Jean Garcia. Sino ba naman ang hindi nakakaalala sa evil face ni Jean kapag siya ang nang-aapi noon sa mga bida?
 
Dahil batikang kontrabida na si Jean, marami na siyang tips na puwedeng ibigay sa baguhang villains ngayon tulad ni Thea Tolentino.
 
Ikinuwento sa amin ni Jean ang ilang kontrabida tips na ibinigay niya sa The Half Sisters star. “Actually kapag nagkakaeksena kami ni Thea, sinasabihan ko siya palagi na 'Thea huwag ipitin, tanggapin mo. Tinanggap mo rin naman din 'tong character na ito. Ibigay mo na,'” saad niya.
 
Hindi raw kasi maganda na pinipigilan ni Thea ang kanyang emosyon. Lalo pa kung galit ang kanyang kailangang ibigay sa eksena.
 
Ani Jean, “Kasi kapag ipit, hindi siya ma-a-appreciate. 'Di ba? Kapag hindi ibigay.”
 
Sinunod naman daw siya agad ng batang aktress. Saad niya, “Eh ibinigay, ang galing!”
 
Mula raw noon, natutuwa na siya kay Thea dahil lumalabas na ang galing nito sa pagiging kontrabida. Lagi niya raw pinapaalala sa teen star na nasa tamang landas siya. Aniya, “Sinabi ko naman sa 'yo anak na tama 'yung ginagawa mo. You're on the right track.”
 
Mayroong payo si Jean sa mga baguhang artista ngayon. “Kasi ganoon talaga eh. Kailangan mong angkinin 'yung role mo. Kung kontrabida ka, kontrabida ka talaga. At para ma-enjoy ng audience 'yung pagiging kontrabida mo, kailangan [ay] lumabas talaga, all out, lahat ibibigay mo. Hindi ipit, hindi 'yung parang conscious ka na may magagalit sa 'kin 'yung mga tao,” bahagi niya.