GMA Logo Jean Garcia
What's on TV

Jean Garcia, tiwalang maraming makaka-relate na Pinoy sa 'Nakarehas Na Puso'

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 16, 2022 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: January 1, 2026
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia


Bakit kaya nasabi ng batikang aktres na marami ang makaka-relate sa istorya ng 'Nakarehas Na Puso?' Alamin DITO.

Tiwala ang batikang aktres na si Jean Garcia na marami ang makaka-relate at magugustuhan ang bago nilang obra na Nakarehas Na Puso na mapapanood sa GMA Afternoon Prime.

Sa virtual press conference ng pinakabagong family drama ng GMA Network, nagbigay ng patikim si Jean kung ano ang mangyayari sa kanyang karakter na si Amelia, na isang mapagmahal na ina at asawa.

"Grabe 'yung nangyari sa buhay ng mga Galang, e. Grabe 'yung nangyari sa kanya, grabe rin 'yung nangyari sa asawa niya, at grabe 'yung nangyari pati 'yung mga kinahinatnan nung mga anak niya," patikim ni Jean.

"Itong si Amelia, nangarap lang talaga na magkaroon ng magandang buhay, pero dahil sobrang hirap nila, sabi nga nila, kapag mahirap ka daw, kasalanan [daw] ang mangarap.

"Ang hirap talaga kasi ang daming scam. Siyempre, minsan, hindi naman tayo nakakatapos ng pag-aaral, minsan naloloko tayo. Sa kagustuhan ni Amelia na magkaroon ng magandang buhay ang mga anak niya, dumating sa point na ayun din ang ikinabagsak at pinagkahiwa-hiwalay nilang pamilya."

Sa kagustuhang magkaroon ng masaganang buhay, tatanggap si Amelia ng isang trabaho na ang kailangan niyang gawin ay mag-deliver ng package sa ibang bansa. Ang hindi niya alam, illegal na droga pala ang laman nito.

Pagpapatuloy ni Jean, "Nag-deliver siya nung drugs pero hindi niya alam na illegal pala na drugs 'yung dala-dala niya, parang ganun. Kaya masakit din sa kanya."

"At maraming makaka-relate kasi nangyayari, itong lahat ng ipapalabas namin, nangyayari lahat ito kaya maraming makaka-relate."

Hindi bago ang isyu ng pagiging drug mole sa Pilipinas dahil ilang Pinoy na rin ang nabiktima nito sa totoong buhay.

Makakasama ni Jean sa Nakarehas Na Puso sina Michelle Aldana, Leandro Baldemor, Vaness Del Moral, EA Guzman, Claire Castro, Bryce Eusebio, at Ashley Sarmiento.

Sa direksyon ni Gil Tejada, Jr., mapapanood ang Nakarehas Na Puso simula September 26, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Return To Paradise.