What's on TV

Jean Garcia, todo ang paniniwala sa feng shui?

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Bibigyang-buhay ni Jean Garcia si Monet, isang ina na niniwala sa mga signs, hula, at feng shui sa Dear Uge.

Bibigyang-buhay ni Jean Garcia si Monet, isang ina na niniwala sa mga signs, hula, at feng shui sa Dear Uge.

Bata pa lang si Monet, paniwalain na siya sa mga sinasabi ng fortune teller.

Noong sinabi sa kanyang magiging ka-birthday niya ang kanyang anak, ikinatuwa ito ni Monet. Pero sambit din sa kanya ng manghuhula na ang anak niya ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan kaya dapat siyang mag-ingat.

Mawiwindang si Monet! Gagawin niya ang lahat para maiwasang mangyari ang hula sa kanya pero tuwing kaarawan ng kanyang anak ay may masama pa ring nangyayari sa kanya. Ngayong papalapit na ang 18th birthday ng kanyang unica hija, sobra ang nararamdamang kaba ni Monet.

Itong kaarawan na kaya ng kanyang anak ang araw din na mamamatay siya?

Huwag palampasin ang Chinese New Year episode ng Dear Uge. Tutok na sa episode na pinamagatang ‘No No sa Feng Shui’ ngayong Linggo, January 29.