
Kabilang ang Abot-Kamay Na Pangarap actors na sina Jeff Moses at Raheel Bhyria sa mga pumirma ng kontrata sa naganap na contract signing event ng Sparkle na Signed for Stardom noong May 16.
Sa contract signing, ipinarating ni Jeff ang pasasalamat sa talent management sa pagtitiwala at oportunidad na ibinigay sa kanya.
"Unang-una, thankful ako sa Sparkle GMA Artist Center and sa ating mga bosses, sa manager ko, sa aking handler, and everyone sa Sparkle thank you so much sa tulong. Ako, excited ako na makatrabaho po kayong lahat and to do more projects with you guys. Willing ako na matuto pa at maalagaan po ninyo. I trust you guys buong puso," pasasalamat ni Jeff.
Dagdag ng aktor, "Sobrang thankful ako kasi lahat ng ito wala po sa akin ngayon kung hindi dahil sa Sparkle, sa mga opportunities na ibinibigay nila sa akin. Sa management po hindi po nila ako pinabayaan.
"Patuloy ko pang sisikapin na iimprove ko pa po ang craft ko. Lagi kong sisipagan and lagi akong lilingon sa mga taong tumulong sa akin."
Nagpapasalamat din si Raheel sa Sparkle na, aniya, naglabas ng confident niya at passion sa acting.
"I've never really expected na tatayo ako rito," sabi ni Raheel. "You know Sparkle, sila po nag-bring out ng confident sa akin. Sila po nag-bring out ng passion sa akin, in my acting, sa craft ko. Kaya gusto ko pong magpasalamat sa inyong lahat."
Sa ngayon, kapwa napapanood sina Jeff at Raheel bilang Reagan at Harry sa Abot-Kamay Na Pangarap, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN SI RAHEEL BHYRIA SA GALLERY NA ITO: