
Kabilang ang 24-year-old actor na si Jeff Moses sa celebrities na dumalo sa katatapos lang na Sparkle Spell 2023.
Hindi nagpahuli si Jeff sa pagbida ng kanyang halloween outfit para sa event na ginanap nito lamang October 22, 2023 sa XYLO at The Palace.
Sa mismong black carpet, cool na cool na inirampa ng aktor ang kanyang Aladdin looks at outfit.
Agaw-pansin ang kakisigan ni Jeff na talaga namang pumatok din sa netizens at kanyang fans.
Umani ng papuri ang aktor sa social media tungkol sa kanyang costume at look para sa party.
Narito ang ilang positive comments na natanggap ni Jeff tungkol sa kanyang gwapong-gwapo na Aladdin look.
Si Jeff ay kasalukuyang napapanood sa GMA hit series na Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Reagan Tibayan.
Si Reagan ay isa sa mga kaibigan ni Dra. Analyn Santos, ang karakter na ginagampanan ng Star of the New Gen na si Jillian Ward.
Bukod sa pagiging kaibigan ni Doc Analyn, si Reagan din ang isa sa mga manliligaw ng batang doktor.
Patuloy na subaybayan dsi Jeff sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: