
Super grateful ang Sparkle star na si Jeff Moses dahil sa mga opportunities at blessings na natanggap niya ngayong taon.
Isa na rito ang maging kabilang sa bagong grupo ng Sparkle na Boys of Summer, kung saan kasama niya ang iba pang Sparkle hunks na sina Kelvin Miranda, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, Matthew Uy, Radson Flores, Mclaude Guadaña, Dustin Yu, Yasser Marta, Vince Maristela, Prince Carlos, at Royce Cabrera.
Sa isang exclusive interview kasama ang GMA Network.com, inamin ni Jeff na nakaramdam siya ng kaba noong sumali siya sa grupo.
Aniya, "Actually, syempre may halong pressure eh kasi mga kasama ko mga alam nating maskulado, batak, ganiyan."
Pero pasasalamat niya sa kanyang Sparkada na si Vince Maristela, na inaya na siya noon mag-gym. Kaya konti raw ang kanyang physical preparations para sa Boys of Summer.
" A year ago na-introduce sa akin ng Sparkada ko si Vince [Maristela] na mag-work out. Not to look good, syempre to feel good, and syempre pangalagaan 'yung health niya since 'yung trabaho namin puyatan, ganyan. So mag-exercise, mag rest day, magpahinga, exercise, ganoon," pahayag niya.
Dagdag din ni Jeff, " Thankful ako na last year pa nakapagsimula na ako and ayun nagamit ko siya mismo sa shoot. Nag-prepare ako but hindi 'yung super effort na dahil may nasimulan na ako, may pundasyon na. Hindi lamang po sa physical health, 'yung pine-prepare ko mental health as well, 'yung wellbeing ko. Ayun, nagpahinga rin ako ng maayos, from work to shoot."
Maliban sa Boys of Summer, labis din ang pasasalamat ng young actor na makabilang sa Signed for Stardom 2024 noong May 16. Inspired at excited tuloy si Jeff para sumabak sa mga future projects at husayin ang kanyang skills bilang Sparkle star.
"'Di pa po final ang lahat parang I'm looking forward na to work with GMA, syempre entertainment group or sa news and public affairs pa. I'm open to work kung ano pong bigay na opportunity sa GMA, pagkaloob sa akin. As early as now, I'm very much willing na sobrang mag-improve pa. Kumbaga, gusto ko mag-workshop sa lahat po, sa lahat ng skills ko siguro para if ever may i-o-offer sa aking job, fit ako to work," sabi ni Jeff.
Maliban sa bagong opportunities, dapat daw abangan ng mga viewers ang mga mangyayari sa kanyang karakter sa GMA afternoon hit series na Abot-Kamay na Pangarap.
Related gallery: Signed for Stardom 2024 brings together the newest and brightest stars
in one event