GMA Logo jeff moses
Source: TRGGRD! & Jeff Moses Instagram
What's Hot

Jeff Moses, na-trigger sa mga malisyoso at mapanghusgang komento

By Aedrianne Acar
Published August 17, 2026 11:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: August 17, 2026
LIVE - Impeachment Trial of VP Sara Duterte - DAY 16 (Aug. 17, 2026) | GMA Regional TV
Farm to Table: (August 16, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

jeff moses


May hugot si Jeff Moses sa mga panghuhusga sa kanya tuwing kasama ang kanyang tiyuhin.

Literal na na-trigger sa podcast na TRGGRD! ang Sparkle hunk na si Jeff Moses nang makuwento niya ang unfair comments at reactions sa tuwing kasama niya ang kaniyang tiyuhin.

Laking pagtataka ng Sparkada member kung bakit malisyoso mag-isip ang mga tao dahil bading ang kaniyang tito.

Lahad niya, “Kasi, yung tito ko, teacher, bading. So, parang iniisip ko nung high school... ako iniisip ko, lagi kasi ako naka-angkas sa tito ko. 'Tapos, motor niya pink pa. Alam mo yung malaking motor na puwedeng pa-motocross, pero kulay pink, ganun. Angkas ako sa tito ko, ganiyan. E, hindi naman lahat ng tao dun alam na tito ko yun kasi magkaiba kami ng surname, kasi cousin yun ng tatay ko.

“Parang sinasabi nila, 'Oh! Kaya pala pogi kasi namamakla.”

Kuwento ni Jeff na lumaki siya sa mundo kung saan expose siya sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Aniya, “Ako growing up, napapalibutan ako ng mga LGBT, so parang 'yung kapatid ko part ng LGBT. 'Tapos 'yung mga cousin ko, ganiyan. Yung mga tropa ko, mga kapitbahay ko LGBT. So, parang kami mga lalaki karaniwan naju-judge na: 'Ah! Bakla niya siguro yan kasi kasama niya.'”

“Lalo na 'pag bumibili kayo, kunwari, sa grocery kasama mo sa ganiyan or sa mall: 'Hala, binibilhan siya ng bakla niya, oh,' ganun.”

Naka-experience ng ganito ang guest nilang si Ralph Miaco

Ayon pa sa Born to Shine actor, marami rin ang mga maduduming-isip na pumapatol ang mga tulad niyang aktor sa indecent proposal.

Hinaing niya sa TRGGRD!, “Kasi sa industry din natin, parang marami rin [indecent] proposals, 'di ba? Pero ang masasabi ko lang diyan kaya naman tayo nagtatrabaho para hindi tayo malagyan ng presyo.”

Jeff Moses

Source: TRGGRD!

Mapapanood this September si Jeff Moses sa theater production na Bongga Ka, 'Day! The Annie Batungbakal Musical.

Related gallery: Jeff Moses, the Sparkle heartthrob set to steal the spotlight