GMA Logo Jeff Moses in TikToclock
What's on TV

Jeff Moses, nakatanggap ng hindi inaasahang tawag dahil sa dating karelasyon?

By Maine Aquino
Published April 13, 2025 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Jeff Moses in TikToclock


"Ano payag ka ba kabit ka lang? Kung nasaan ka man susugurin kita," saad daw ng tumawag kay Jeff Moses.

Ikinuwento ni Jeff Moses ang kaniyang naging karanasan sa dating karelasyon.

Ibinahagi ito ng Kapuso hunk sa kaniyang pagsabak sa "Love Under Cover" ng TiktoClock.

Kuwento ni Jeff, nangyari ito sa kaniyang long-term relationship.

Saad ni Jeff, "Long term relationship 'yun. Mga ilang taon din kami. Then nagulat ako one day, may tumawag sa akin na lalaki na sinasabi, 'Ano payag ka ba kabit ka lang? Kung nasaan ka man susugurin kita.'"

Nang tanungin si Jeff kung ano ang kaniyang reaksyon sa pangyayari, ito ang kaniyang naging sagot.

"Siyempre speechless ako. Wala akong masabi. Hindi ko in-expect na 'yun ang mangyayari."

Bukod sa kuwentong ito ni Jeff ay naghanap din siya ng makaka-date sa "Love Under Cover". Alamin kung sino ang kaniyang napiling cover girl dito:

Sa mga nais na maka-date ang inyong mga celebrity crush tulad ni Jeff, sali na sa "Love Under Cover" sa TiktoClock. Panoorin ito para sa kabuuang detalye.

Patuloy na subaybayan ang April Full na hatid ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA Network.