
Suportado ng kani-kanilang mga karelasyon ang love team nina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) bilang TSg Diego Ramos at Cpt Moira Defensor.
Kuwento ni Rocco nang makausap ng piling reporters sa Ethan's Cafe sa Quezon City, mas nauna sila naging magkaibigan ng boyfriend ni Jasmine na si Jeff Ortega dahil nagkatrabaho sila noon sa pelikulang Flotsam.
Kinunan ang pelikula sa Flotsam and Jetsam Resort sa La Union kung saan part-owner si Jeff.
“Mas nauna pa kami naging friends ni Jeff bago kami nagkatrabaho [ni Jasmine],” pag-amin ni Rocco.
“Kasi nakatrabaho ko si Jeff sa Flotsam the movie, kami ni Solenn.”
Dagdag ni Rocco, magkausap sila ni Jeff noong malaman niya na magiging love team partner niya si Jasmine.
“Magkausap pa nga kami ni Jeff nung malaman namin na Jas was gonna do a part,” kuwento ni Rocco.
“Nag-congratulate sa akin si Jeff, and then sabi niya, 'I'm really happy that you will be working with Jas.'
“Happy siya.”
Nanonood rin ang girlfriend ni Rocco na si Melissa Gohing ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation). Sa katunayan, masipag mag-post si Melissa sa Twitter ng kanyang larawan, kasama ang mga aso nila, habang pinapanood ang nobyo.
All out support for fur daddy's world premiere! - @CorgiValentine and arrow @nacinorocco#DescendantsOfTheSunPH pic.twitter.com/PBQoneRhFm
-- Melissa E. Gohing (@GOHINGMELISSA) February 10, 2020
“Naiinis nga siya sa story eh, kasi siya yung K-drama fan,” kuwento ni Rocco,
“So way back 2016, sabi niya, 'Panoorin mo 'to kasi kamukha mo!'
Ang tinutukoy ni Melissa na kamukha ni Rocco ay ang Korean actor na si Jin Goo na gumanap ng karakter ni Rocco sa original Korean version ng Descendants of the Sun.
“So ginawa niya, as a prank, gumawa siya ng collage ng photos na pinagtatabi niya yung mukha namin.”
Dahil dito, masaya si Rocco dahil suportado ng kani-kanilang partner ni Jasmine ang love team nila sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).
“It's nice to know that both parties, we have supportive partners,” saad ni Rocco.
Panoorin ang buong panayam nina Rocco at Jasmine:
Panoorin ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation), Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.