GMA Logo Jeffrey Santos
Source: FastTalkGMA (IG)
What's on TV

Jeffrey Santos, nakikipag-collaborate sa scriptwriters para sa kanyang kontrabida role

By Kristian Eric Javier
Published August 15, 2025 3:01 PM PHT
Updated August 15, 2025 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Jeffrey Santos


Mas subtle at patagong kontrabida ang atake ngayon ni Jeffrey Santos sa kanyang role sa 'Sanggang Dikit FR.'

Isa sa mga pinakakilalang kontrabida sa industriya ngayon si Jeffrey Santos. Kaya naman, sa pagganap niya bilang Roman sa hit GMA Primetime action-drama series na Sanggang-Dikit FR, ibinahagi ng aktor ang atake niya bilang kontrabida.

Sa pagbisita nila ng co-star na si Liezel Lopez sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, August 14, tinanong siya ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang atake niya sa pagganap sa bagong kontrabida role na ito.

Ani Jeff, “There are times po na I try to collaborate with my director and the scriptwriter kasi normal na sa kontrabida na kapag pumasok sa eksena, may lima kaagad na patay, o pito kaagad na patay, just to emphasize na siya 'yung kontrabida. So with this one, we tried to make it a little bit more subtler.”

Saad pa ni Jeffrey, sa paggawa nila ng karakter niyang si Roman ay dahan-dahan nilang ilalabas ang mga “sungay” nito.

Pag-amin niya, “It's more scary, it's more eerie, actually, so hindi alam ng tao kung kailan ako pipitik, kung kailan ako magiging salbahe so there's always this 'Ngayon na ba? Ngayon na ba?'”

BALIKAN ANG KONTRABIDA ROLES NG ILANG KAPUSO STARS SA GALLERY NA ITO:

Pagbabahagi ng aktor ay mayroong iba't ibang factions ngayon sa serye at ang ginagawa ng kanyang karakter ay tila isang in-between sa mga ito, “I'm in the middle of all those factions so hindi mo alam who I'm really working for or if I'm working for myself lang.”

Samantala, hindi naman maiwasan ni Liezel na mamangha sa kanyang co-star lalo na at madalas ay kontrabida roles din ang ginagampanan niya.

“Ang dami ko pong natututunan ngayon kasi usually, kontrabida rin po 'yung roles ko before so yeah, it was really nice,” sabi ng aktrres.

Panoorin ang panayam kina Jeffrey at Liezel dito: