GMA Logo jelai andres
What's Hot

Jelai Andres, aminadong di maiiwasan ang bashers

By Nherz Almo
Published April 17, 2021 6:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

jelai andres


May simpleng paraan si Jelai Andres para labanan ang bashers. Alamin dito:

Bilang isang vlogger at baguhang aktres, aminado si Jelai Andres na hindi maiiwasan na magkaroon ng bashers.

Sa panayam ng "BizTalk" ng GMA Regional TV Early Edition, inilahad ng Owe My Love actress kung paano niya hinaharap ang mga negative ng kristisismo tungkol sa kanya.

"Sa mga bashers, hindi natin maiiwasan, e," aniya.

"Kung mayroon kang gawing tama, kung mayroon kang gawing mali, kapag basher, sisilip at sisilip nang masasabi sa 'yo.

"So kapag ganun, iniintindi ko na lang. Sabi nga nila, kapag bad yung tao kailangan mas lalo kang mabait sa kanya kasi kailangan niya 'yon."

"Paano ko sila hina-handle? Wala, dedma. Hindi ko pinapatulan.

"Puro positive lang kasi dapat. Kasi kapag pinapansin mo pa yung negative lalo lang lalaki, ganyan, negative lang din ang maa-attract mo.

"Kapag positive ka lagi, positive lang yung aura na makukuha mo."

Sa kabilang banda, malaki naman ang pasasalamat ni Jelai dahil sa magandang naidudulot ng vlogging sa kanyang buhay.

Paglalahad niya, "Unang-una, siyempre, mas nakilala ka. Parang feeling ng mga tao sobrang close kayo kasi lagi ka niyang napapanood, e.

"So, ang ibig kong sabihin, kapag lumalabas ka, tinitingnan ka nila bilang inspiration. So, nakakatuwa kapag nababasa ko, ''Pag laki ko, gusto ko gayahin siya. Gusto ko rin gawin yung ginawa niya. Gusto ko rin tumulong.'"

Taong 2019 nang magsimulang mag-vlog si Jelai sa YouTube. Sa ngayon, mayroon na siyang mahigit anim na milyong subscibers.

Panoorin ang kabuuan ng panayam ng GMA Regional TV Early Edition kay Jelai rito:

Samantala, tingnan ang scene-stealing photos ni Jelai sa gallery na ito: